AdSense

Saturday, December 22, 2012

Muli Lyrics – Breezy Boyz and Breezy Girls


Muli Lyrics – Breezy Boyz and Breezy Girls
Intro: Kej's

Ang tiwala mo mahal...

1st Verse: Vlync

Pa'no ko maibabalik ang tiwala mo mahal,
ga'no man kahirap na tanggapin mong Muli.
Isa pang pagkakataon ang hinihingi
kailangan mo ba ng panahon
na pag-isipang hinding-hindi na ako
uulit na lagyan ng lamat ang puso mo.
Hindi sana naging panatag ang sarili ko
na hindi mo kayang iwanan ang katulad ko.
Sadyang maraming tukso pero natuto na,
hindi na titingin sa kaliwa.
Sa kabila ng lahat ng nangyari
alam kong ako parin ang sinasabi.
Ang sinisigaw ng puso mong ligaw
kung bibitaw ka man ng tuluyan sayo parin kakapit...

Chorus: Kej's

Sana'y pagbigyan mong Muling ibigan ka.
Nakikiusap ang puso ko
sa pangalawang pagkakataon.
Sana'y pagbigyan mo na
akong Muling papasukin sa puso mo.
Hindi man ganun kadali sayo,
matagal man ay kakayanin ko.
Maibalik lang Muli ang tiwala mo...

2nd Verse: Lux

Sana mapatawad mo, sana mapatawad mo
kahit sa kaonting pagkakataon
na makapagsimula't makabangon,
makalimot sa mga maling nakaraan.
Oo, dahil tao lang ako, tao lang ako,
takot lang akong hamunin ang pagmamahal,
alam kong talo lang ako, lalo lang akong
lalamunin ng panibughong sumasakal.
Tama nga sila, maaalala mo na importante pala sya
lalo na kong hindi na sya sayo.
Mas masakit kapag nakikita mong pinapawi ng ngiti
ang sakit ng kahapon na dinulot mo.
Hindi ganun kadaling patawarin, umaasa balang-araw sasabihin
na mahal mo pa ako kaya lahat ay gagawin, para lamang sayo.
Ibalik kinang sa mata na puno ng luha
at kahit kailan hindi na Muling papatak ang mga luha mo sa lupa.
Sa katulad mo nakasalalay ang kaligtasan
ng pusong dating nabigo at mabigyan
ng pagkakataon na Muling maibalik ang pagmamahal,
pangako magsasama tayo hanggang kamatayan,
sinusumpa kong ito na ang huli, pagkakataong pinagkaloob nyang Muli.
Salamat po, dahil binigyan nyo ng kalinawan
ang isip kahit kailan hindi na ako magkakamali.
At kapag dumating na ang takdang panahon upang tayo ay magsama
ako na siguro ang pinakamasayang lalaki na nabuhay na merong pag-asa...

Chorus: Kej's

Sana'y pagbigyan mong Muling ibigan ka.
Nakikiusap ang puso ko
sa pangalawang pagkakataon.
Sana'y pagbigyan mo na
akong Muling papasukin sa puso mo.
Hindi man ganun kadali sayo,
matagal man ay kakayanin ko.
Maibalik lang Muli ang tiwala mo...

3rd Verse: Slick One

Alam kong nagkamali ako sa iyo ay
hindi maibabalik ang mundong
napakasaya humantong lamang sa wala
hindi ko kaya na makita na kasama ka ng iba.
Bawat haplos sa luha ko'y panggap pala ng masasayang ala-ala
ng hawak ko pa ang kamay mo
at laging sinasambit mahal kita, walang iba pero nasan ka.
Ako ay iniwan na, ngayo'y paano na
mga binuong pangarap ay hindi ko na mahanap
pinangako nating dalawa sa isa't-isa.
Wala ng bibitaw hawakan mo ang kamay ko,
sa layo mo ngayo'y hindi ko na maabot.
Mahal, Muli mong ibalik yugto ng sandali
pag naisip mong patawarin, pagbigyang Muli,
ako sayo'y nagsusumamo...

Chorus: Kej's

Sana'y pagbigyan mong Muling ibigan ka.
Nakikiusap ang puso ko
sa pangalawang pagkakataon.
Sana'y pagbigyan mo na
akong Muling papasukin sa puso mo.
Hindi man ganun kadali sayo,
matagal man ay kakayanin ko.
Maibalik lang Muli ang tiwala mo...

No comments:

Post a Comment

Post a Comment

Adsense

AdSense