AdSense

Saturday, December 22, 2012

Paano Lyrics – Breezy Boyz and Breezy Girls (Kej's, Venice , Aprhyl)


Paano Lyrics – Breezy Boyz and Breezy Girls
Refrain: Aprhyl
Tila hindi ko maintindihan ang mundo
kung kailan pa may nagmamay-ari na nang puso ko.
Paano ko ba sasabihin sayo
ng hindi ka masasaktan sinta,
Paano o papano...

Chorus: Aprhyl

Pa'no pwede mo bang sabihin sakin
kung Paano ko aaminin
sayo ng hindi ka masasaktan,
ako'y nag-aalangan tila nasa kawalan
kapag nasa harapan na kita, Paano ba, Paano ba...

1st Verse: Kej's

Wala nang epekto sakin ang iyong mga ngiti
dahil wala nang natitirang
pagmamahal sa puso kahit kaonti.
Siguro, mahal kita bilang kaibigan
hanggang doon nalang yon,
tigilan na natin, wag ng pahabain.
Dahil masasaktan ka lang pag tumagal pa 'to,
ayoko din magdamdam ang bagong mahal ko.
Pagkat sya na nga ang bagong bubuo ng buhay kong magulo...

Chorus: Aprhyl

Pa'no pwede mo bang sabihin sakin
kung Paano ko aaminin
sayo ng hindi ka masasaktan,
ako'y nag-aalangan tila nasa kawalan
kapag nasa harapan na kita, Paano ba, Paano ba...

2nd Verse: Aprhyl

Manhid ka ba talaga,
nagtitiis ka sakin kahit na mukha ka nang tanga.
Wag ka nang maglambing,
hindi ko naman kailangan dahil meron ng ibang
hinahanap na yakap at halik,
totoo, hindi na nga sayo sabik
ang puso kong 'to, pa'no na ba, ewan ko ba.
Gusto ko nga sabihin sayo na iiwasan na,
gusto rin aminin sayo na iiwanan ka na.
Pa'no ko ba ipadadama,
ngayon sa akin ay baliwala ka na...

Chorus: Aprhyl

Pa'no pwede mo bang sabihin sakin
kung Paano ko aaminin
sayo ng hindi ka masasaktan,
ako'y nag-aalangan tila nasa kawalan
kapag nasa harapan na kita, Paano ba, Paano ba...

3rd Verse: Venice

Paano sasabihin sayo ng harapan
habang lalong tumatagal puso'y nahihirapan
tanggapin na hindi na nga ikaw ang tibok ng puso,
iba ang nadarama kapag sinusuyo.
Hindi na kagaya nang dati ikaw ay sobrang mahal,
laging hawak ang iyong kamay kulang nalang ay ikasal.
Pero tila nagiba, nag-iba ang ihip ng hangin,
kasabay ng pagbuhos ng luha, na akala mo'y aking
nadarama pa rin ang dating pagtitinginan,
unti-unting naglaho ang pag-ibig ng halinghingan
habang lumalapit ka, ako'y lumalayo,
kapag tumatabi ka, ako'y tumatayo.
Kahit patuloy kong pinapadama sayo na wala na,
tapos na ang pagmamahal at mas mahal ko na sya.
Kung masasabi ko lang, hindi na sana pinagtakpan,
ngunit ako'y nangangamba na ang puso mo'y masaktan...

Refrain: Aprhyl

Tila hindi ko maintindihan ang mundo
kung kailan pa may nagmamay-ari na nang puso ko.
Paano ko ba sasabihin sayo
ng hindi ka masasaktan sinta,
Paano o papano...

Chorus: Aprhyl

Pa'no pwede mo bang sabihin sakin
kung Paano ko aaminin
sayo ng hindi ka masasaktan,
ako'y nag-aalangan tila nasa kawalan
kapag nasa harapan na kita, Paano ba, Paano ba...

No comments:

Post a Comment

Post a Comment

Adsense

AdSense