AdSense

Sunday, August 12, 2012

Break Up Lyrics (Solo Version) feat. Lun Of Sagpro Family by Hambog Ng Sagpro Krew


Break Up Lyrics (Solo Version) feat. Lun Of Sagpro Family
by Hambog Ng Sagpro Krew

First Verse:

Alam mo yung feeling na pagnakinig ka ng kanta?
Basta love song, "Naaalala sya"
Lalo na kapag nakaraan dinalaw ka nito
Ang nadadama ng puso, "Bakit ganito?"
Pag pangalan mo ay merong nagbanggit
Ako'y naiinis, totoo, "Ang sakit"
Pag sa profile mo sa Facebook napasilip
Bumabalik pagmamahal sa puso ko at isip
At sabi ko madami pa kong pwedeng ipalit
Sa loob loob ko, "Pwede kaw nalang ulit?"
Nasira na ang buhay ko nung sabi mo "Break na tayo"
Gusto ko sanang bumawe kaso "Too late na ba ko?"
Wala na bang pagasa? ha? wala na ba?
Ibalik sa date buhay ko na kasama ka
Baka pwede pang maayos to daan naten sa usap
Dahil di ko kaya ako'y nakikiusap

Chorus:

Nagiisa man ako ngayon
Ramdam ang lamig ng panahon
Bakit ba sakin pa
napunta ang mga ganitong pagkakataon at kalungkutan na
Aking nadarama

2nd Verse:

Relasyon iyong tinigel pagibig mo'y pinigel
Kaya ako ay miserable sa pagiging single
Akala mo ba masaya ako? Male
Nakangiti kunyare ngunit puso ko'y sawe
Purkit ba nakangiti ako ay tanggap ko na
Na wala ka na di ba pwedeng panggap muna
Makita lang litrato mo ako'y naiiyak
Kaya ang ginawa sa Facebook ko ikaw ay naka-block
Dahil alam nila sa puso natanggal na din kita
Pero alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na
Grabe
Pag bumawi sa pananakit mga babae
Ang hirap makatulog dahil sa mga nangyare
Sana ay bumalik yung ikaw na mahal mo pa ko date

Chorus:

Nagiisa man ako ngayon
Ramdam ang lamig ng panahon
Bakit ba sakin pa
napunta ang mga ganitong pagkakataon at kalungkutan na
Aking nadarama

3rd Verse:

Hindi ka na sa akin anong magagawa ko
Bakit mahal pa rin kita pilit ko mang mabago
Ang naramdaman sayo hanggang ngayon ganun pa rin
Kahit sa kanya ka masaya kahit masakit "Tatanggapin"
Ang di ko lamang matanggap ba't date ang saya pa natin
At ang masakit doon yun ay di na babalik sa akin
Sabi mo wala na tayo ba't pa ko nagdadamdam
Ewan ko,ewan ko, hindi ko din alam
Dahil galit ako sa bago mo sakin di yon maayos
Bakit kahit di na tayo bakit pa ko nagseselos
Para na akong tanga saking mga ginagawa
Tinitiis ko yon pero sila sakin awang awa
nanjan lamang ang babae, at madami daw
Madami nga pero sa puso ko may nagiisang ikaw
Sana'y marinig mo to itong kanta para sayo
Pasensya na pasigaw ito kase nasaktan ako

(Nasaktan ako)

Teka di pa ko tapos meron pa kong sasabihen
Ikaw lang ang mahal ko yan ang lagi mong isipen
Ganda sana ng pinagsamahan ba't natapos lang
Kaya kung ikaw ay babalik sa akin ayos lang
Kahit turing lang akong reserba at pangalawa
Ayos lang basta't kasama ka yun ang mahalaga
Sabihan na akong madrama dito sa aking kanta
Nilalabas ko lang naman "Aking nadarama"

Chorus:

Nagiisa man ako ngayon
Ramdam ang lamig ng panahon
Bakit ba sakin pa
napunta ang mga ganitong pagkakataon at kalungkutan na
Aking nadarama

No comments:

Post a Comment

Post a Comment

Adsense

AdSense