AdSense

Sunday, August 19, 2012

GLOC 9 MKNM: Mga Kwento Ng Makata 2012 ALBUM Cover & Tracklist

Tracklist



1. Balak ni Syke
2. Apatnapungbara feat. Ian Tayao
3. Silup feat. Denise Barbacena
4. Alalay ng hari feat. Allan Mitchell Silonga
5. Sirena feat. Ebe Dancel
6. Hindi mo nadinig feat. Jay Durias
7. Sino (interlude)
8. Salarin feat. Bamboo Manalac
9. Inday feat. Cathy Go
10. Bakit hindi feat. Billy Crawford
11. Malakas (interlude)
12. Pison feat. Chito Miranda
13. Thankful feat. Maychelle Baay of Moonstar88 & Bambu

Bonus Tracks
14. Hari ng tondo feat. Denise Barbacena
15. Kung tama Siya feat. Jaq Dionisio of Kissjane


LYRICS TO ALL THE SONGS



Balak Ni Syke Lyrics - Gloc 9
Kung may alak may balak
Lasing sa kasalukuyan ngunit malaman ang ala-ala
Gising at kasulukuyang malala na
Nadala na sa nakaraang magdamag na baon sa pagtulog
Bukas ang bakas ay may babaon sa limot
Eto ang mga kwento ng makata
Basahin ang mga nasa gitna ng talata
Siksik na parang delata, seksi pang dalaga
Sorry di na ako binata
Ang mga kwento ng makata
Inumpisahan sa tulang pinamagatang Balak
Isinulat na walang alak
Laman lamang ng utak ang pinadaloy sa panulat
Laman ng puso ang pangmulat na walang panggulat
Simple lang, kabado, easy lang
Kung busy, ngisi lang
Kalmado, steady lang
Ngayon ang panahon ng pagbubuhat ng sariling bangko, keri lang
Di mo kailangan mag Ingles para malaman nilang matalino ka
Di rin naman kailangan managalog para malaman nilang Pilipino ka
Pilipino ka, kalabaw ka hindi ka baka
Hindi ka mansanas kundi mangga
At wag mo nang asahan datnan ang panahong tatangos ang iyong ilong
Tsong hindi ka puti, kayumanggi ang kulay mo
Mahalaga kung ano ang kaya mong gawin
Gawing magaling, tinitibok ng bawat damdamin ang gawang magaling
Sumigaw kung kailangan na mailabas ang nagbabagang galit sa dibdib
Ngunit sunog na ang daigdig sa mga sinasabing walang silbi
Kaya nakasalpak sa mga manhid ang panawid gutom, kumakalam ang tenga
Nakasalampak sa sahig ang mga patay-gutom, said walang kumakalinga
May mga pantas na di malaman ang tungo
Hindi puso kundi nguso ang panturo
Naging sinungaling ang mga labi ng mga bagong saling-lahi
Di pa huli ang lahat, hawiin ang ulam nakakabulag
Kini mao ang akong balak at ang balak namin ni Gloc
Maging makabuluhan ang pagkaguluhan ng nangagarap



Hari ng Tondo Lyrics - Gloc-9 [Featuring: Denise Barbacena]
 [Denise:]
Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala
Na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng tondo hari ng tondo (2x)

Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo hari ng tondo ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo

[Gloc-9:]
Minsan sa isang lugar sa maynila
Maraming nangyayare ngunit takot ang dilang
Sabihin ang lahat
Animoy Kagat kagat
Kahit itagoy di mo pedeng pigilin ang alamat
Na umusbong,
Kahit na madami ang ulupong
At halos hindi iba ang laya sa pagkulong
Sa kamay ng iilan umaubosong kikilan
Ang lahat ng pumalag walang tanong ay kitilan,
Ng buhay, hukay, nuhay magpapatunay
Na kahit hindi makulay kailangang mag bigay pugay
Sa kung sino ang lamang
Mga bitukang Halang
At kung wala kang alam ay yumuko ka nalang
Hanggang sa may nag pasya na sumalungat sa agos
Wasakin ang mga kadena na syang gumagapos
Sa kwento na mas astig pa sa bagong tahi ng lonta
Sabay sabay nating hawiin ng tabing na tolda

[Denise:]
Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala
Na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng tondo hari ng tondo (2x)

Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo hari ng tondo ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo

[Gloc-9:]
Nilusong ang kanal na sa pangalan nyay tumawag
Alang alang sa iba tsaka na muna ang paawat
Sa mali na nagagawa na tila na nagiging tama
At ang tunay na may kaylangan ang syang pinatatamasa
Lahat silay takot nakakapaso ang iyong galit
Mga bakal na may nag babagang tinga papalit palit
Sa hangin na masangsang nakakapanga hina ang nana
At Hindi mo matangal na parang bang sima ng pana
Na nakulawit, subalit sa kabila ng lahat
Ay ang halimuyak lamang ng iisang bulaklak
Ang syang tanging nag hahatid sa kanya sa katinuan
At hindi ipagpapalit na kahit na sino man
Ngunit ng dumating ang araw na gusto nya ng talikuran
Ay huli na ang lahat at sa kamay ng kaibigan
Ipinasok ang tinga tumulo ang dugo sa lonta
Ngayon alam mo na ang kwento ni Asiong Salonga

[Denise:]
Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala
Na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng tondo hari ng tondo (2x)

Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo hari ng tondo ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo




Kung Tama Siya Lyrics - Gloc-9 ft. Jaq Dionisio of KISS jane
[Chorus: Jaq Dionisio]
Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya

Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya

[Gloc-9:]
Tinta at panulat ang ginamit
Sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit

Nag-aral ng matuwid parang sangi saking anit
‘Sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit

Ng amoy nung ako’y magpasyang ituloy
Ang pag sulat ng talata na mag sisilbing apoy

Sa bawat isang Pinoy na lubog sa kumunoy
Ng dayuhan ang mga balot sa kumot na tisoy

Kahit na sabi nila ako’y hindi pumapalag
Ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag

Bakit kailangang magpatayan ng maghapot magdamag
Kung sa kalaban ay bato at ang sandata mo’y libag

Makalipas ang isang daang taon at limampu
Ano ang aking namasdan ano ang aking natanto

Para bang ang panahon mula noon ay huminto
Sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto

Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan
Tandaan mo ang laman ng isang kasabihan

Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian

[Chorus: Jaq Dionisio]
Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya

Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya

[Gloc-9:]
Ito ang sa tingin ko’y tama
At ang syang nararapat
Pero teka lang…

Sa kanila’y huwag kang maawa
Yan lang ang syang nararapat
Pero teka lang…

[Gloc-9:]
Ako’y isang batang Tondo na anak ng mananahi
At sa idad na katorse mga braso’y natali

‘Di man natapos sa eskwela nagpatuloy magbasa
Nakadampot ng karunungan at namulat ang mata

Na ang nagaganap saking kapaligiran ay mali
At ang tanging sagot sa malalim na sugat ay tahi

Silang alipin ng ginto at amoy ng salapi
Mga dayuhan na dahilan ng maraming pighati

Abuso at kalupitan hindi mo dapat pagtakpan
Kung hindi ka lumaban wala kang dapat pagtakhan

Ayaw nilang magparaya may humaharang sa daan
Wala nang pakiusapan di mo subukang tadyakan

Dahil ang kinakayankayanan lamang ay mahina
Subukan mong sumigaw kahit maputulan ng dila

Ibinuwis aming buhay natunaw ang kandila
At nagbago nang itsura ng tinaas na bandila

Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan
Kung iisipin ang laman ng isang kasabihan

Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian

[Chorus: Jaq Dionisio]
Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya

Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya

[Gloc-9:]
Ito ang sa tingin ko’y tama
At ang syang nararapat
Pero teka lang…

Sa kanila’y huwag kang maawa
Yan lang ang syang nararapat
Pero teka lang…




Apatnapungbara Lyrics – Gloc 9 ft. Ian Tayao
[Chorus: Ian Tayao]
Ako’y tutula mahaba
Ako’y umupo na po
Tapos na nga hugasan
Ang mga kamay ng mga makata
Lahat na yata tayo ay makata
Lahat na yata tayo ay makata
Gusto ko sanang maniwala

[Verse: Gloc-9:]
Ikaw nanaman, diba kalalabas mo lang?
Kung magsulat ka ng kanta para bang papasko lang
Tila lupang di tigang sa letra mong bilang
Walang tigil sa pag-agos pinapadulas mo lang
Di naman super lolo pero bakit sumasabog?
Ang lahat ng kuha mo kahit di makapal ang apog
Pinag manhik manaog, ibang klaseng tagalog
Parang altapresyon sa kumakapal na batok
Tapos na ang biruan, walang pala-palabok
Wag kang gumamit ng baldeng butas sa pag-salok
Magpahagod pagnapagod paghumagok magpadagok
Laging handa sa pagsusulit kahit walang pasok
Ang bata na inaral ang Aba Ka Da
E Ga Ha I La Ma Na Nga O Pa Ra Sa Ta U Wa Ya
Kung di makasabay sa aking makakaya
Bumaba ka sa aking pasada, Mama para
Ibalik ang bayad, sumayad ang speaker sa lakas
Ng tunog, lumubog ang mga mapangahas
Na humahamig kahit na hangin lang ang kinahig
Nag-uunahan sa pagdampot ng putik at ipahid
Ako ang magaling palaging sinisigaw
Sa loob ng kaing na may kalburo ang manggang hilaw
O kandilang tunaw, o itak na bingaw
Pagpinagsama natin ang dalawa, oo ikaw!
Matagal-tagal narin po akong nagtatampisaw
Sa tubig na kung minsan ay parang kanal sa hangin
Kaya may oras na parang gusto kong bumitaw
Ngunit salamat sa hindi nagdadala sa akin
Pero aaminin ko, nakakapanghinayang
Lisanin ang trabaho na kailangan mong tibayan
Ang mukha mo, ito’y bago, kabisado na tula to
Sa mukha mo itaya mo patipato ano kamo?
Bawat CDng nabenta mo wala pang limampiso
Ang babalik sayo teka wala kang benepisyo
Pero ayos lang kasi ito ang yong pinagdasal
Di man kasing bango ng lahat ng nahahalal
Mga nakakadinig, sila ang sumatutal
Pagkakataong humukay ng panibagong bukal
Na humuhubog sa isip ng mga batang may pangarap
Kahit anong mangyari wag kang bibitaw sa yakap

[Chorus: Ian Tayao]
Ako’y tutula mahaba
Ako’y umupo na po
Tapos na nga hugasan
Ang mga kamay ng mga makata
Lahat na yata tayo ay makata
Lahat na yata tayo ay makata
Lahat na yata tayo ay makata



Silup Lyrics – Gloc 9 ft. Denise Barbacena
 [Chorus: Denise Barbacena]
Mamang pulis…
Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong
Dahil ako ay nadukutan
Mamang pulis…
Pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo
Upang hindi ako malapastangan (Lapastangan... lapastangan… lapastangan…)

[1st Verse: Gloc-9]
Ang pangalan ko ay SPO2 Ruben
Di ako mukang pera kaya wag mo kong utuin
Tsapa ko’y aking dangal, hindi mo to kayang bilhin
Pero meron din namang parang tulog kahit gising
Sa kapangyarihan ay lasing
Budhi na tila maitim
Kapag kailangan ay tawagan, pero bat kaya walang dumarating
Eto merong dalawa na para bang walang pakialam
Sa nagpapasimuno ng gulo
Makikita mo sila na ginugulangan ang mga kumakalam
Kasamaan na sagad sa buto
Kaya pinipihit ko, pinipilit ko
Na gawin ang mga nasa isip nyo
Di lahat ng pulis ay may ugali na para bang sa dimonyo
Pero biro nyo mga drogang nakulimbat silang bumabatak
Kung sasalain ang lahat ng parak malamang marami ang latak
Pero meron pa kayang mga matuwid,mga nakakabilib gumagawa ng mga tama
Kasi madaming nakakatulig, malakas humilik parang mga sunog baga
Teka muna tandaan mo ‘to ako’y pulis na di corrupt
Maraming ring katulad ko, marunong lang ako magrap

[Chorus: Denise Barbacena]
Mamang pulis…
Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong
Dahil ako ay nadukutan
Mamang pulis…
Pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo
Upang hindi ako malapastangan (Lapastangan... lapastangan… lapastangan…)

[2nd Verse: Gloc-9]
Sangkot sa kotong at jueteng
Isang tiwaling hepeng
Laging nagpapalusot, kung may padulas at may pwedeng
Maibulsa ang maereng parak na parang buteteng
Laot ano na bang nangyari dun sa Kuratong Baleleng?
Laging patay na ang bida
Bago lumabas sa eksena
Kapag tinanong ng reporter ay iisa lamang ang linya
Merong iba na sa T.V ay tila nagpapatawa
Kulang na lamang ay sumigaw ng "Napaliligiran na kita!"
Mga taong nagugulangan ay hindi mo na mabilang
Paltik man o kwarenta isingko sa mga bewang
Ang gamit upang hindi ipagtanggol ang maliit
Bagkos ay nakatutok sa pagitan ng mga matang nakapikit
Perang kinurakot nyo sa mga bakod nyo dala mo, nasan ang mga takot nyo?
Ga’no na kakapal ang putik na dumungis sa mga pagkatao nyo?
Meron pa kayang mga ilang pulis na di corrupt?
Silang mga katulad ko, marunong lang ako magrap

[Chorus: Denise Barbacena]
Mamang pulis…
Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong
Dahil ako ay nadukutan
Mamang pulis…
Pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo
Upang hindi ako malapastangan (Lapastangan... lapastangan… lapastangan…)

[Gloc-9:]
Ang pangalan ko ay SPO2 Ruben
Di ako mukang pera kaya wag mo kong utuin
Ang tsapa ko’y aking dangal, hindi mo to kayang bilhin
Kahit ang pasweldo sa amin ay ilang pisong duling (pisong duling)

[Chorus: Denise Barbacena]
Mamang pulis…
Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong
Dahil ako ay nadukutan
Mamang pulis…
Pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo
Upang hindi ako malapastangan (Lapastangan... lapastangan… lapastangan…)




Alalay ng Hari Lyrics – Gloc 9 ft. Allan Mitchell Silonga
 [Chorus: Allan Mitchell Silonga]
Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay…

Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay…

[1st Verse: Gloc-9]
Tandaan mo
Kahit ano
Man ang mangyari ay utang ko
Ang palakpakan at respesto nyo
Kapag hawak ang tumutunog na mikropono
Kableng nakapulupot
Sa kamay para di mahugot
Ay parang wallet sa snatcher, ako ang mandurukot
Mga linya kong sinulat
Ginamit ang panulat
Nagsimulang mag-ulat
Ang lahat ay nagulat
Sa kanya nanggagaling, mula sa itaas
Ngunit sayo pinaabot, ikaw ang nagbukas
Saakin ay nagturo, ipunin ang katas
At kung pano di matibo sa masukal na landas
Sa tuwing ika’y kausap, ako’y nahihiya
Parang nananaginip, ako’y tuwang-tuwa
Kaya sa gabi ako’y palaging nakatingala
Kasi pwede palang maging sigurado ang baka’
Sabay sa entablado
Ang lahat ay ganado
Ikaw rin ang nagpasakay sakin sa eroplano
Kahit sabihin ng iba na ako ay dehado
Pero dahil sayo ay matagal na kong panalo

[Chorus: Allan Mitchell Silonga]
Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay…

Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay…

[2nd Verse: Gloc-9]
First year high school sa Morong, Rizal
Hindi ka ba nahihiya? Medyo makapal
Daw ang aking mukha, bakit ka ba laging kasali?
Nagbabaka sakali na hindi matanggal
Kasi nung araw, doon sa amin ay di pa masyadong
Maraming rapper ang mapapakinggan mo sa radio
Kasi siguro’y naiiba pa noon ang uso
Ngunit lahat ng kanta mo ay aking kabisado
Pagcold summer nights ay napapraning
Meron akong ano, na di bading ang dating
Silang mga ubos biyaya na laging lasing
Mga nilamon ng sistema na andyan pa rin
Gabulok ang nangangamoy kahit dumaan sa contest
Sinong kumain ng isang kilong mahiwagang kamote
Kaya mga kababayan ito ang gusto ko
Hindi ka dapat mahiya kahit ilong mo ay pango
Kasi tayo’y mga pinoy, ano man ang mangyari
May man from Manila na palaging magsasabing
One can’t talk peace if you have a gun
Handa ka bang ipaglaban ang 3 stars and a sun

[Chorus: Allan Mitchell Silonga]
Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay…

Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay…

[Allan Mitchell Silonga:]
Kahit ano pa man
Sabihin ng iba
Ika’y nag-iisa
At ako ang iyong tagahanga
Di ko lubos maisip
Nagbago na ang tinig
Nang ikaw ay mawala
Dumami ang nagpupumilit

[Chorus: Allan Mitchell Silonga]
Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay…

Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay…




Hindi Mo Nadinig Lyrics – Gloc 9 ft. Jay Durias
 [Chorus: Jay Durias]
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sakin, mga dalangin ko’y pinakinggan
Nagkamali ako…
Sa mga pangako mo…
Buong akala ko ikaw ang siyang sakin ay nakalaan

[1st Verse: Gloc-9]
Minahal na kita
Nang makita kita
Ang pagtingin ko sayo ay higit sa iba
Kinapalan ang mukha, niligawan kita
Kahit ako ay alangan sa mata ng iba
Gabi-gabi ang laman ng dasal ay ikaw
Kahit na anong mangyari ako’y di bumitaw
Sa pangarap na sa tuwing merong gabing maginaw
Ang aking kayakap ay walang iba kundi ikaw
Kaya’t ganun na lamang ang aking saya nung ako ay
Nagpaalam ngunit hinawakan mo’ng aking kamay
At sinabi sakin sa hangin parang tinangay
Nang minahal mo ako, pwede na kong mamatay
Ako’y nagsikap upang maibigay sayo ang langit
Karangyaan sa buhay at mamahaling gamit
Kahit minsa’y nagtatalo, sayo’y di kayang magalit
Bawat hakbang palayo, ako’y patakbong lumalapit
Upang di magka-agwat ay nagpasobra ng sapat
Ang lahat kinasabwat, handa kong gawin ang lahat
Nang ang pag-ibig natin sa isa’t-isa’y hindi lumabo
Parang tubig sa baso kahit na putik ang ihalo

[Chorus: Jay Durias]
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sakin, mga dalangin ko’y pinakinggan
Nagkamali ako…
Sa mga pangako mo…
Buong akala ko ikaw ang siyang sakin ay nakalaan

[2nd Verse: Gloc-9]
Lagi kang ginagabi, ang huling kagabi
Madalas na magising wala ka saking tabi
Pero di naman siguro, baka guni-guni
Ko lamang to, wala lang to, siya’y may pinapabili
Bagong damit bagong alahas, mahal basta ikaw
Dagdagan mo pa ng prutas, mangga basta hilaw
Sa mumurahing bagoong malalim na sinasawsaw
Kahit tila malansa ang lasa ay ayos lang daw
Ako ay medyo natuwa, di kaya sana naman
Na ang sinapupunan ng aking mahal nagkalaman
Ngunit nag-aalangan, di ko mapag-alaman
Huling beses na nagtabi parang ang hirap tandaan
Isang araw ay dinugo, halos lahat ay isumpa mo
Di ko lubos maisip, di ko alam kung pano
Unti-unting nagbago, dinuduro mo pa ko
Bulungan sa telepono harap-harapan sa mukha ko
Umuwi ng maaga, ingay na tagos sa dingding
Huling-huli sa akto, sakin binaling ang tingin
Hindi na kita mahal, sabay hubad ng ‘yong singsing
Ako’y binalot ng galit at nagdilim ang paningin

[Chorus: Jay Durias]
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sakin, mga dalangin ko’y pinakinggan
Nagkamali ako…
Sa mga pangako mo…
Buong akala ko ikaw ang siyang sakin ay nakalaan

[Last Verse: Gloc-9]
Ako’y bumunot ng baril, na dinala kaya pala
Kahit walang dahilan magagamit ko pala
Parang namamagang singaw, buong dugong nakabara
Lahat ay gustong isigaw, ngunit kumalso ang panga
Piniringan ang mata, tinalian ang kamay
Minartilyo sa paa, sige tumakbo kang pilay
Kahit kayo ay mag-ingay, sige todo bigay
Di na rin naman pwedeng maging tistigo si inday
Inunahan ko na siya bago pa mangyari to
Wala kayong kamalay-malay kung gano kagrabe to
Lahat ng galit at pait ay di kayang masabi to
Sa idudulot kong sakit na nakakaimbalido
Kasing kulay na ng talong ang mga kutis nyo ngayon
Mga dumudugong kuko na may pakong nakabaon
Buhok nyong ginunting ko ay isinilid ko sa bayong
Sisilaban hanggang magbaga na parang bulkang Mayon
Lumamig na ang luhang galing sayo at tuminig
Sa kalaguyo mo na mayroong kutsilyo sa dibdib
Daliri ko’y nasa gatilyo sabay subo sa bibig
Minahal naman kita, bakit hindi mo nadinig? (di mo nadinig)


Sirena Lyrics- Gloc 9 ft. Ebe Dancel
 [Chorus: Ebe Dancel]
Ako’y isang sirena
Kahit anung sabihin nila
Ako ay ubod ng ganda
Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko’y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki’y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib


[1sr Verse: Gloc-9]
Simula pa nang bata pa ako
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya parang lahat ay nalilito
Magaling sa Chinese garter at piko
Mga labi ko’y pulang-pula
Sa bubblegum na sinapa
Palakad-lakad sa harapan ng salamin
Sinasabi sa sarili anong panama nila,
Habang kumekembot ang bewang
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay aling bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa muka
Na galling sa aking ama na tila di natutuwa
Sa tuwing ako’y nasisilayan, laging nalalatayan
Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
Na imbis na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal parang pilik matang kulot


[Chorus: Ebe Dancel]
Ako’y isang sirena
Kahit anung sabihin nila
Ako ay ubod ng ganda
Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko’y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki’y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib


[2nd Verse: Gloc-9]
Hanggang sa naging binata na ako,
Teka muna mali dalaga na pala to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
Ano bang mga problema nyo?
Dahil ba ang mga kilos ko’y iba
Sa dapat makita ng inyong mata
Sa tuwing nanunuod ng liga laging na tutulala
Kahit di pumasok ang bola ako’y tuwang-tuwa
Kahit de kalyo na sa tapang
Kase ganon na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
Tama na naman itay di na po ako pasaway
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
Kapag ako’y na iiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako’y ampon
Kase araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
Ang inaabot ng ganda kong pang ilalim ng dagat

[Chorus: Ebe Dancel]
Ako’y isang sirena
Kahit anung sabihin nila
Ako ay ubod ng ganda
Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko’y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki’y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib


[Last Verse: Gloc-9]
Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa
Aking mga kapatid lahat sila’y sumama
Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita
Kakain na po itay nakahanda na’ng lame sita
Akay-akay sa paglakad paisa-isang hakbang
Ngayo’y buto’t balat ang dating matipunong katawan
Kaya sayong kaarawan susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan
Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagkacancer
Kase dahil ang tagapag-alaga mo’y nakadaster
Isang gabi ako’y iyong tinawag, lumapit
Ako sayong tabi ika’y tumangan, kumapit
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
Anak patawad sana sa lahat ng aking nagawa
Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa muka
Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla


[Chorus: Ebe Dancel]
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki’y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib

Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko’y di tutumba..



Salarin Lyrics – Gloc 9 ft.Bamboo Mañalac
 [Chorus: Bamboo]
The dates go on, we down for sure
But on my own (Now tell me everything's all right)
I pay my own way, sold my soul
We on the clock (You tell me name my price)
You reap what you saw but that ain't what I see
Whatever happened to the promise we would've dreamed
I'll just do my time and take what's due me
When tomorrow comes, it's just another day

[Gloc 9:]
Mga daliring nakaturo, dugo na tumutulo
Pangalang nakasulat sa maputik na dipuho
Katanungan na mula pa sa ating mga ninuno
Saan ba ang daan bakit hindi niyo maituro
Kaing-kaing na hinaing, daang-daang daing
Ang lunas ba'y imposible parang dilat na bahing
Lahat malinaw kahit bulag o mata'y nakapiring
Parang ang daming doktor pero di gumagaling
Ang bayan kong minamahal ganito na lamang ba
Na ang iyong kaunlara'y dinadaanan ng iba
Sa kanila galing ang bigas, di ka ba nagtataka
Bakit meron paring nagugutom na magsasaka
Kamusmos ang nasa lansangan kayod kahit maalinsangan
Patuloy sa pagdami tila di nababawasan
Ang problema teka kung gusto mo talagang malaman
Ay sumama ka sa amin at subakan nating pagmasdan ang

[Chorus: Bamboo]
The dates go on, we down for sure (Now tell me everything's all right)
I pay my own way, sold my soul (You tell me name my price)
You reap what you saw but that ain't what I see
Whatever happened to the promise we would've dreamed
I'll just do my time and take what's due me
When tomorrow comes, it's just another day

[Gloc-9]
Silang mga nagiging biktima tila dikit-dikit sila
Leeg na ginilit pinilipit kasi gipit sila
Makuha lang ang perang inipon sa alkansya
Sa isang gisap mata pabilisang magpasya na ang
(You just don't see why I try)
Sayo ay akin, at ang sa'kin ay akin palagi
Ganyan ang buhay na parang buhol-buhol na tali
Kailangang dumiskarte, kailangang makabawi
Kakapit sa patalim walang baka-bakasakali
Kasi walang trabaho makuha dun sa amin
At bihirang mapahiran ng mantika ang pagkain
Hindi naman ako kinukulang sa panalangin
O tinatamaan lamang ng aking suntok ay hangin
Ngayo'y nakakulong pero matagal ko nang nalaman
Na ang katarungan daw ay para lang sa mayayaman
Ang katotohanan ba ay gusto mong masilayan
Halika't sabay-sabay nating tingnan ang katibayan sa

[Chorus: Bamboo]
The dates go on, we down for sure (Salamin)
Had my own way, sold this soul (Salarin)
You reap what you saw but that ain't what I see
Whatever happened to the promise we would've dreamed
I'll just do my time and take what's due me
When tomorrow comes, it's just another day

The dates go on, we down for sure (Salamin)
I pay my own way, sold this soul (Salarin)
You reap what you sow but that ain't what I see
Whatever happened to the promise we would've dreamed
I'll just do my time and take what's due to me
When tomorrow comes, it's just another day

[Bamboo]
Fight or fly, or will we simply fade away
Tired of all the talking
We're still singing the same old songs
Yet things haven't changed
Bayad ko buhay ko, ba't ganun (Bayad ko buhay ko, ba't ganun)
Bayad ko buhay ko, ba't ganun (Bayad ko buhay ko, ba't ganun)
Bayad ko buhay ko, ba't ganun (Bayad ko buhay ko, ba't ganun)
Bayad ko buhay ko, ba't ganun

[Gloc-9]
Mama bayad bayad, utak kong sumayad
Malakas ang hangin baka nama'y walang layag
Oo nang oo pero di naman pumapayag
Mainit na tinapay na ang palaman ay amag
Sa bayan na laging malakas ang mga bulong
Kahit umusad ay tila di umiikot ang gulong
Mga bulag at pipi ang gamit lang ay ilong
Bakit nangangamoy bulok ang inyong mga barong

Mama bayad bayad, utak kong sumayad
Malakas ang hangin baka nama'y walang layag
Oo nang oo pero di naman pumapayag
Mainit na tinapay na ang palaman ay amag
Sa bayan na laging malakas ang mga bulong
Kahit umusad ay tila di umiikot ang gulong
Mga bulag at pipi ang gamit lang ay ilong
Bakit nangangamoy bulok ang inyong mga barong


Inday Lyrics Gloc-9 ft. Cathy go
 [Cathy Go:]
Oh inday! Oh inday!
Oh inday! Inday ng buhay ko…
Oh inday! Oh inday!
Inday ng buhay ko…

[Chorus: Cathy Go]
Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya
Kapos lang sa kaunlaran kaya’y walang makita
Makuhang trabaho sa aming lugar, ano ba ang gagawin ko?
Bumyahe nalang sa malayong lugar, lahat ay titiisin ko

Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya
Gusto ko sanang maging doktor ng medisina
Ngunit si itay ay magsasaka lang ang kapatid ko ay pito
Mahainan lang ang hapagkainan ang trabaho ko ay ito…

[Verse: Gloc-9]
Pantalon na maong, labhan mo ng pakamay
Ang aking tira-tira’y takpan mo
Pagtapos kanang kumain ang sahig punasan mo
Mula baba hanggang taas lampasuhin hagdanan ko
Dapat walang alikabok nikatiting sa mga muebles
Ayokong inuulit ng higit sa isang beses
Sa lahat ng utos ko, walang tanong kang susunod
Pagkausap mo ako, kulang nalang ay lumuhod
Bilisan mo maglakad, sige! Buhatin mo lahat
Wala akong pakialam kahit na ubod ng bigat
Kapag tinawag sa gabi dapat tulog ka ng dilat
At handa kang maglinis kapag ako ang nagkalat
Kahit gaano kadumi, ang mabaho’y amuyin
Tuwing ako’y malalasing lahat ng gusto ko’y sundin
Kung ayaw mong sayo ay mayroong mangyaring masama
“Oo” ang isasagot sa gusto kong ipagawa
O sa gusto kong gawin at sa gusto kong makita
Paulit-ulit hanggang sa hindi ka nagkabisita
Makakaalis kana, di na kita kailangan
Bago tumawag ng pulis dahil ako’y ‘yong ninakawan

[Chorus: Cathy Go]
Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya
Kapos lang sa kaunlaran kaya’y walang makita
Makuhang trabaho sa aming lugar, ano ba ang gagawin ko?
Bumyahe nalang sa malayong lugar, lahat ay titiisin ko

Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya
Gusto ko sanang maging doktor ng medisina
Ngunit si itay ay magsasaka lang ang kapatid ko ay pito
Mahainan lang ang hapagkainan ang trabaho ko ay ito…

Inday! Oh inday!
Oh inday! Inday ng buhay ko…
Oh inday! Oh inday!
On inday ng buhay ko…





Bakit Hindi Lyrics – Gloc 9 ft. Billy Crawford
 [Chorus: Billy Crawford]
Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit hindi?
Nalang sabihin sa sarili

Pagbutihan mo ng maigi
Kamusta kung may imposible…
Bakit hindi? Bakit hindi?
Nalang sabihin sa sarili

[1st Verse: Gloc-9]
Dahil lang ba ang mga bagay na nakaharang
Sa’yong daraanang hagdanang
Mataas, madulas kahit na matumba
Ay hindi mo pababayan at tuluyang mabahiran ng alinlangan
Bawat hakbang, tawirin mo man dagat,
Sabayan hanging habagat
Baga’t apoy
Bawat patak ng dugo’y
Di mawawalan ng saysay ang mga boses at panaghoy
Dahil ang mga araw na dumarating ang nagsisilbing pag-asa
Sa kanila na sa pait ng buhay nawalan na ng panlasa
Walang trabaho, mawalang makain, bubungan na tinangay ng hangin
Humahaba na ang listahan sa tindahan ng saging
Lima ang anak mo na sanggol, kailangang ipagtanggol
Sa kahirapan na pumupukol, isip mo na buhol-buhol
Ano man ang kahantungan, palagi mong tatandaan
Kapag hindi kana bumangon ay dun ka pa lang magiging talunin
Diinan ang tapak sa lupa, punasan mo ang luha
Kung hindi ka susuko, hinding-hindi ka huhupa

[Chorus: Billy Crawford]
Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit hindi?
Nalang sabihin sa sarili

Pagbutihan mo ng maigi
Kamusta kung may imposible…
Bakit hindi? Bakit hindi?
Nalang sabihin sa sarili

[2nd Verse: Gloc-9]
Bakit? Bakit gumigising?
Bakit? Bakit dumidilat?
Hindi pwedeng tumigil kahit mabigat ang buhat
Hindi kumukurap kahit ilang beses ginulat
Handa nang sumagupa sa lahat ganon kakunat
Ang balat, namalat sa lakas ng sigaw
Iangat, kumagat, lunukin ng hilaw
Higpitan mo lang ang hawak wag na wag kang bibitaw
Ang kalaban mo lang ay walang iba kundi ikaw
Lagi kang magpasalamat na ikaw ay binigyan
Ang isipin mo na lamang ay lamang tiyan din yan
Kahit tuyo na ang halaman tyagain mong diligan
Hanggang ikaw ay lumaguna na akala mo Biñan
Lahat ng ‘yong naaabot ay pilitin mong higitan
Patilimin ang patalim at maghanda kang gilitan
Kung hindi mo nagawa, wag mo na muling tignan
Marami pang pagkakataon ang nasa ‘yong harapan

[Chorus: Billy Crawford]
Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit hindi?
Nalang sabihin sa sarili

Pagbutihan mo ng maigi
Kamusta kung may imposible…
Bakit hindi? Bakit hindi?
Nalang sabihin sa sarili




Pison Lyrics – Gloc 9 ft. Chito Miranda
 [Gloc:9]
Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc

[Chorus: Chito Miranda]
Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
Kaya’t wag kang haharang sa daraanan ng pison

[1st Verse: Gloc-9]
Matagal-tagal na rin akong hindi gumamit ng ganitong pamamaraan
Sa pagbigkas ng mga salitang nagbabaga samantala para bang ang dami ang nag-uunahan
Sino ba talaga ang pinakamabilis?
Hindi naman mahalaga
Kasi ang tunay na tanong ay kung gano ka kagutom
Mahawakan ang pangarap
Mayakap malawak ang balak itarak ang itak
Puso kong dumadagundong
Kahit na anong mangyari, kailangang madali
Madami mang beses na madapa, pagpagin ang alikabok
Lasang parang mapait, pilitin mo lang malunok
Dahil ang kinabukasan mo di pwedeng mabulok
Sige lang itulak mo ang kariton
Kung di abot ikaw ay tumalon
Pagkakataon na sitahin kahit nakalingon
Pawis na tumulo pag-inipon mo galon-galon
Sa buhay na mapagbiro di pwede dito ang pikon
[?] sa tadhana pumikit lang ang pahinga
Isang ulo bawat letra, tandaan mo ang pahina
O pahina’, kumain na kayo nakahain na
Ang pagmamahal na kailanma’y tinuro sa aking ina
Kahit na kung minsa’y nagkakalatay kay tatay
Ang kanyang mga payo sa akin ay siyang umakay
Di makinis ang daan anak kailangan mong masanay
Tandaan mo na hindi pwedeng madaliin ang palay
Tyagain mo lang…

[Chorus: Chito Miranda]
Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
Kaya’t wag kang haharang sa daraanan ng pison

[2nd Verse:]
Di mo kailangang pakinggan ang sinasabi ng mga ayaw maniwala
Kahit medyo pawisan diretso lang parang kalan at paliyabin natin ang baga
Ng mga pinapangarap mo dapat tibayan dahil natural lang ang mabaha
Malubog sa putik, ganyan paa ka lang, sagad mo lang kahit na gano kadambuhala
At ang umalis, sandal nga hindi pa ko tapos
Itupi ang tuhod kung dahilan sa kumot ay kapos
Paa’y hindi sumasakit, talampakan na pinaltos
Patipato at panabla, sige! Ubos na kung ubos
Kahit madalas nakatawa, pare hindi ito landian
Sa dami ng kalaban, di maiwasan ang sanggian
Dikitan to palagi, kaya malamang na mabalian
Sa laro na bilang ko lang ang tunay kong kaibigan
Hindi katulad ng bitak-bitak na mga palad
Tipak-tipak na sugat sa tubig ay nakababad
Mamasa-masa kaya hirap pagalingin kaagad
Agad tumatayo tuloy-tuloy pa rin ang lakad
Walang kapaguran, ikaw ay magpabalik-balik
Daanan mo ng daanan hanggang sa’yong madagit
Kahit ika’y pagdudahan ng kaibigang matalik
Wag mawalan ng pag-asa, pare buhay pa rin si magic!

[Chorus: Chito Miranda]
Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
Kaya’t wag kang haharang sa daraanan ng pison




Thankful Lyrics – Gloc 9 ft. Maychelle of Moonstar88 & Bambu
 [Intro : Bambu]
Tell you when the song nets
That's so bad

[Chorus : Maychelle Baay]
I just wanna thank you for
All the things that you have done
And if not for you I won't be
The person that I'll become
But tell me why things have to change
And what I felt for you is not the same
All I know is I, all I know is I
All I know is I
I want to get out of here

[Verse 1 : Gloc 9]
It's crazy how you wish for the things in life
All the things you want, all the things you like
But you gotta be careful cause you might get it
Find yourself at the airport when you lightheaded
You wanna stay home, close your eyes and listen
To your headphones, memorizin' the songs
That at times when everything is still simple
Why did it happen so fast, it's so nimble
Can I get a amen, we're not in a temple
When I call you 'Hey man', I try to rekindle
Skills that I've learned, scars that I've earned
I never let go even though I get burned
Watch the replays, dues that I pay
I kneel and I pray like everyday
But then I realized that everything is still empty
I wanna get out of here, can somebody help me

[Chorus : Maychelle Baay]
I just wanna thank you for
All the things that you have done
And if not for you I won't be
The person that I'll become

[Verse 2 : Gloc 9]
It started when I held you in my hand, it felt good
Cause that's the only thing I asked for and I stood
And looked up the sky or knelt on the ground
Believe me when I tell you what I saw I found
But don't get me wrong I ain't sayin' it's easy
Like wearin' air-yeezies in a third world country
You gotta fall in line, wait 'til you get a turn
Ask after you sign, everything is a blur
Plus there ain't a lot that try to help me when I'm down
And it seems like everybody only sees me as a clown
Who wants to grab the mike and say yes yes yo
I made you see the pictures with the words that I draw
I ate all them criticisms, I spoke but I listen
Feed all my thoughts, got the keys to the prison
But there are times you gotta smile even though you're hurt
I just wanna let you know I'm thankful for what it's worth

[Chorus : Maychelle Baay]
I just wanna thank you for
All the things that you have done
And if not for you I won't be
The person that I'll become

[Verse 3 : Bambu]
I thank all my kasama in the jungle
Huddled around the fire singing songs about the struggle
And study the basic problems, tryin' to resolve 'em
Protract the struggle in the name of those who fallen
In a third world, first world vamps spread noles
Regardless of my ideology and social views
At the core of it all I wanna feed the poor
I don't want young Pinays to be shipped to foreign shores
I don't want giant hotels in Manila sellin' tours
I want us to produce things that we can call ours
I wanna thank the few who do the work for the masses
Thank the teachers in school who kicked me out of classes
And the women who I love so bad
Here's a thank you for my dad
Who tells his son about the struggles back home
Block-bam, block-siam, to tell you when the song nets

[Chorus : Maychelle Baay]
I just wanna thank you for
All the things that you have done
And if not for you I won't be
The person that I'll become
But tell me why things have to change
And what I felt for you is not the same
All I know is I, all I know is I
All I know is I
I want to get out of here

No comments:

Post a Comment

Adsense

AdSense