Sa Isang Sulyap Mo Lyrics
by: 1:43
Yuki:
Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo
Anjo:
Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko
Chorus:
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang
lahat ng ito,
sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang
puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay
punung-puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo,
napa-ibig ako
Kim:
Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba
Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumusigla
Goldmon:
Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura
Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya
(Repeat Chorus 2x)
Yuki:
Sa isang sulyap mo, ayos na ako
sa isang sulyap mo, napa-ibig ako..
No comments:
Post a Comment