IKAPITO SA WALONG SUMPA LYRICS - SMUGGLAZ
Bawat berso ko'y
binuhay ng mga taktika
Sa magkabilang
pisngi mo ay lalagapak, di ka
Makakaabot sa akin
pagkat hindi maaari
Patag mong
sinasayaran saking tindi mahahati
Gagapang ang
istilong pamatay ko na dala
Na magsasabi sayong
iyong banat ay kulang pala
Para maibangon ang
pangalang aking tinabunan
Di mo tanggap na ako
lamang ang tanging tinapunan
Ng talino at
kagalingan na di kayang matawaran
Lalo na ng mga tulad
niyong ligayang magtawanan
Dinamay ang bitawang
makabago't mas angat
Nang sa ganun kahit
sa dilim ay makapa ko't masalat
Ang dapat baybayin
na dako patungo sa aking nais
Sa sinumang tititig
patango sakaling mais-
Sakatuparan ang mga
nakatakdang magbago
Tagapagwasak ng
harapan ang sumpang ikapito
Ikapito sa walong
sumpa sakdal sa hindi
Matatawaran ang
karunungan at di magagapi
Smugglaz ang
pangalan niya
Inatang ko ang
katapangan mula sa mga ninuno ng angkan
Ng mga sundalong
naglaganap ng tugtuging pandigmaan
Na kinakikiligan na
pinangingilagan ng ilan
Na bumubuo ng mga
bahagi ng mga kongkretong pangalan
Na sumisilo sa dilim
humahablot ng mga pansin
Saklaw ang interes
ng pandama pandinig at mga paningin
Pinagbibigkis ang
mga istilo sa awiting di payak
Walang tiyak na
makakaligtas pagtungtong napasadlak
Ka sa pagitan ng
kapahamakan peligro at panganib
Mula sa pagluwal ng
mga obrang sisibasib
Sa mga di
nakapaghanda sa malawig na pagsabog
Ng ngala'y mula
noo'y ginagraduhan ng matayog
Tinangan ang mga
bersong tutungkaban naman ng tibay
Mga malagim
nakatindig habang nakataas ang kilay
Kaya itinalaga ko sa
antas na pinakamatarik ang bagsak
Ang bubungkal ng
kaduwagan sa pamamaraang haling
Ikapito sa walong
sumpa sakdal sa hindi
Matatawaran ang
karunungan at di magagapi
Smugglaz ang
pangalan niya
Tiyak na merong
bubulagta pag nasimulan naming na bumulaga
Malamang na muli ka
nanamang mapatulala kapag ginawa ko nanaman ang mga dati ko na ding ginawa
Mapapasama ang
kalagayan mo kala mo siguro na kaya mo
Makalamang sa mga
makatang ganyan talagang demonyo sa mikropono
Gagalugarin bawat
sekta at gagambala sa mga damdamin
Ng mga saksing
bulaan na di pa alam nagawang mapaamin
Na sila'y napanginig
napahanga't lubusan na bumilib
Sa mensaherong
walang kahinaan at tanging tanan ay panganib
Handa kong ipasagot
ang mga niluto niyang kukumpuni sa mga mukha na makapal
Alam mo na di ganyan
kadali na tunay niyang mapataob at tunay niya kaming mabuwal
Ipapatamasa ang
pagiging mabangis ang pagiging mabilis na dali daling lumabas kumatas sa lakas
sa tigas nilagay sa taas hanggang sa pagwawakas
Ikapito sa walong
sumpa sakdal sa hindi
Matatawaran ang
karunungan at di magagapi
Mataimtim pa sa
pagmamasid ng mga makinarya ng piitan
Ang punterya mo na
makadukot ng kaluluwa na pilit sakin na kumakalaban, laban
Ikapito sa walong
sumpa sakdal sa hindi
Matatawaran ang
karunungan at di magagapi
Smugglaz ang
pangalan niya
Ikapito sa walong
sumpa sakdal sa hindi
Matatawaran ang
karunungan at di magagapi
Smugglaz ang
pangalan niya
No comments:
Post a Comment