Tinapatan ng grupo ni Paul Flores ang pagka-extravagant at
pagka-festive ng filing ng Certificate of Candidacy ni Dan Guinto ngayong
October 5. Tulad ng kay Dan, mainit ding sinuportahan ng mga tao ang grupo ni
Paul.
Hindi buo ang line-up nang tumungo ang grupo sasimbahan
upang magpabasbas o bendisyon kay Among Basilio dahil nagse-session pa ang mga
miyembro ng Sangguniang Bayan na kasama sa line-up ni Paul.
Pagkalabas sa simbahan ay sinalubong ng banda at drum and bugle
corps ang grupo at mga tagasuporta nila na naghihintay sa harapan ng Munisipyo
ng Masantol.
Binati at kinamayan nina Paul Flores, kandidato sa pagka-mayor , Alvin Ignacio, ang kanyang vice mayor at ilan sa kanilang mga
councilors ang mga tagasuporta na karamihan ay mga opisyales ng mga barangay ng
Masantol. Nagpaunlak ng picture-taking
sa ilang mga supporters ang grupo habang tumutugtog ang banda.
Ilang sandali lamang ay pumunta na sa opisina ni Mayor Peter
ang grupo upang doon na hintayin ang ibang mga councilors na nasa session pa
rin.
Nagsidatingan ang
marami pang mga tagasuporta ng grupo sa Mayor’s office at ang mga kapatid
ni Paul na sina Nepomuceno na
kanilang panganay, ang dating mayor ng Macabebe na si Bobong; ang kasalukuyang mayor ng Macabebe na si Madam Annette Balgan; at isa pa nilang
kapatid.
Kung sa filing ni Dan ay nasorpresa ang mga tao sa pagdating
nina dating Vice Mayor Jay Bustos at dating Mayor Epifanio Lacap upang suportahan ang partido ni Guintu, naging mainit
naman ang pagtanggap ng mga Flores kay
dating Mayor Corazon Lacap na dati
nilang katunggali sa pulitika. Si Councilor Boboy Lacap, anak ni Corazon ay
kasama sa line-up ni Paul.
Nandoon din ang pamilya ni Alvin Ignacio upang suportahan
ang kandidato para bise mayor.
Ang mga councilors ni Paul at Alvin ay sina dating councilor
Ambet Navarro na muling nagbabalik
sa pulitika, ang kasalukuyang councilors na sina Chris Bondoc, Boboy Lacap, Benny
Manansala at Edwin Viray; si Rolando
Manalang, ang barangay captain ng Bulacus na si Enteng Zabala at ang nag-iisang babae, pinakabata at beauty queen ng
Masantol na si Princess Dian Viray.
Nandito ang ilang mga larawang kuha sa nasabing oksyon.
Palaging i-check ang blog na ito para sa mga videos na
ipo-post ko sa loob ng linggong ito.
MASANTING ING MAKALANTAD LANGAN RENG KALABAN NANG MAYOR GUINTU.KULANG LAPA RENG FLORES KENG PICTURES.
ReplyDelete