AdSense

Thursday, June 6, 2013

BAKA ANONG ISIPIN MO Lyrics - Curse One, Mcnaszty One, AphrylBreezy



BAKA ANONG ISIPIN MO Lyrics - Curse One, Mcnaszty One, AphrylBreezy
Matagal ko ng dapat sinabi sayo na
Damdamin ko’y nahuhulog pag ikaw na
ang kausap parang nasa ulap lang ako
lumulutang sa ganda mo
Nagtataka ka pa ba? Bat sa tuwing kausap kita
Ako’y masaya, nararamdaman mo din kaya? Nais na sanang aminin,
ipagtapat sayo kaso baka pagtawanan mo, iwasan mo at tuluyan mo ng iwanan ako
Kaya ayos lang na tayo ay magkaibigan lang
Ayoko ng mabago kung anong meron tayo dito sa

Chorus:
Pano kung sasabihin ko
Sayo ako ay may gusto
Baka anong isipin mo
Kung aaminin ko sayo
Matagal na akong may lihim na pagtingin sayo
Di ko lang maamin natatakot akong layuan mo

Nung una palang nung mga bata pa tayo
ay hindi ko naisip ang mga mali
Pero bakit ngayon di ko maibulong
ang mga gustong sabihin nang mga ngiti

Dahil baka naman magalit ka
Kung tatangkaing aminin na
Sayo na may gusto
Eh kaibigan lang kasi sakin
Ang pagtingin mo..

Wag mo sanang talikuran ang naramdaman
Kung hindi pwepwede wag mo sanang layuan
alam ko na alam mo , dama ko na dama mo
Sanay kayang kaya ko na aminin to sayo

Na sadyang nakaka bighani
Sa puso mo ay nais kong mag hari

Kung pwede lamang sakupin
kung pwedeng dayain
Kung pwedeng pasukin
Laman nang damdamin
Na di ko maamin
Dadaan ko nalang sa panalangin to

Chorus:
Pano kung sasabihin ko
Sayo ako ay may gusto
Baka anong isipin mo
Kung aaminin ko sayo
Matagal na akong may lihim na pagtingin sayo
Di ko lang maamin natatakot akong layuan mo

Di ko alam kung bat ba nagkaganto ang puso ko na tila
di na maintindihan pag dating sayo..
Talagang sayo.. Ikaw ang pinanggagalingan ng ngiti sa labi ko
Ikaw ang aking umaga at gabi.. Wag kang lalayo sakin
kasi malamang malungkot lang ang mundo ko,
ikaw ang dahilan kung panatag ang pakiramdam ko
Ngunit malabo, ito’y inaasam ko
Parang imposible na mangyari na ika’y mapasakin at
tuluyan ang kislap ng presensya mo ang dahilan
kung bat pag-ibig nabuo



No comments:

Post a Comment

Adsense

AdSense