Mr President:
Nito pong nakaraang linggo, bigla pong nalayo ang usapan sa
Reproductive Health Bill, at nadala sa plagiarism o pang-aangkin. Naniniwala po
ako na ito ay bahagi lamang ng isang hatchet o demolition job laban sa akin
upang humina ang aking paninindigan laban sa RH bill.
Marahil, kaya ganito ang nangyari, ay hindi po napakinggan
ng lubos ang aking talumpati, at ang mga kalaban ay naghanap ng maliit na
isyung makakapuwing sa akin. Marahil ay di nila natandaan ang aking sinabi na
aking ad-lib o extemporaneous portion ng aking talumpati, ng sinabi ko ang
ganitong mga kataga:
"Hindi po ako nagdudunung-dunungan dito. Hindi ko po
iniimbento ito. Itong mga kino-quote ko po dito ay mga fact na pinatotohanan ng
mga eksperto sa larangan ng agham at batas."
Wala po akong inangkin sapagka't ako po ay di doktor. Ang
blanket disclaimer ay pag-amin na ang research materials na nilalaman ng aking
talumpati ay batay sa mga pag-aaral ng mga iginagalang na eksperto.
Ako yata ang kauna-unahang senador ng Pilipinas na naging biktima
ng cyber-bullying. Mula sa blogs, Facebook, at Twitter, ginawa akong sentro ng
mga mapanira at malisyosong atake ng iba't ibang tao, lalo pa ng mga
sumusuporta sa RH Bill. Bahagi siguro ito ng kanilang istratehiya, lalo pa't
may milyun-milyon silang pondo. "If you can't kill the message, kill the
messenger". Mukhang ganito ang ginagawa ng aking mga detractors.
Nakakapagtaka lang po na walang mga sagot akong nadinig sa
aking mga punang ibinato laban sa RH Bill, tulad ng mga sumusunod: Na ang RH
Bill ay labag sa ating saligang batas na nagtatakda ng proteksyon sa mga batang
di pa naipapanganak magmula sa pagkabuo o conception; Na ang RH Bill ay
makasasama sa kalusugan ng mga babaeng buntis at sa mga magiging anak nila; Na
ang RH Bill ay di na kailangan sapagka't ginagawa na ito ng Department of
Health; Na ang RH Bill ay malaking gastos para sa bayan sa halip na magamit ito
sa mga paaralan, ospital at mga gamot; Na ang RH Bill ay di naaayon sa ating
kultura.
Mula rito napunta na sa plagiarism.
Ayon sa ika-siyam na edisyon ng Black's Law Dictionary na
inedit ni Bryan Garner, ang plagiarism ay ang "deliberate and knowing
presentation of another person's original ideas or creative expressions as
one's own."
Sa Merriam-Webster Dictionary naman po, ang kahulugan ng
plagiarism ay "to steal and pass off the ideas or words of author as one's
own".
Samantalang sa Oxford Dictionaries naman ay ito ang
kahulugan ng plagiarism: "the practice of taking someone else's work or
ideas and passing them off as one's own."
Nais ko ring banggitin para sa kaalaman ng mga tagapakinig,
lalo na ng mga taga-pintas kong nais akong makasuhan dahil sa pangyayaring ito,
na walang krimen [na] plagiarism sa Pilipinas. Kahit hanapin ninyo pa sa
Revised Penal Code, sa Intellectual Property Code, at maging sa Special Penal
Laws, wala kayong makikitang krimen [na] plagiarism. Pinakamalapit na sa
maaaring pag-isipan ay copyright infringement, na hindi naman tatayo ayon sa
mga abogado dahil walang paglabag sa alinman sa mga copyright o economic rights
na nakasaad sa Section 177 ng Intellectual Property Code.
Maging si Atty. Louie Andrew C. Calvario from the Office of
the Director General of the Intellectual Property Office ay nagpahayag na:
"The crime of plagiarism is not defined in our laws, particularly the
Intellectual Property Code and the Revised Penal Code. Neither can it be
characterized as copyright infringement since it did not economically injure
the author". Sinabi niya din na "in his opinion the act was not
copyright infringement since the defense of statutory fair use (Sec. 184.1 IP
Code) and fair use (Sec. 185, IP Code) can be invoked".
Para sa mga naninira at humuhusga sa akin sa facebook,
twitter, blog at pati na rin sa diyaryo ito po ang masasabi ko. Kahit mukha
akong walang pinag-aralan kung ikukumpara sa mga pinag-aral nila at hindi
kasing dunong nila, ang mahalaga ay ang ipinaglalaban ko. Malinis po ang
hangarin ko na ipaglaban ang sanktidad ng buhay. Naniniwala po ako na kahit
kailanman, wala kahit isa sa atin ang may karapatan na ipagkait itong mundong
ating ginagalawan. Ito po ay hindi sa atin.
Ang aming programa sa telebisyon, yung pong Eat Bulaga kung
saan kasama ko po ang aking kapatid na si Vic at si Joey. Pati ang
partisipasyon ko ay pinipintasan nila. Tinatawag pa akong payaso. Mr.
President, mas gusto ko ng maging payaso at pasayahin ang mga tao kesa sa
kanila na nagsasabi ng masama laban sa kapwa. Kami po sa Eat bulaga ay
daan-daang tao ang natutulungan, libu-libo at milyun-milyon ang nasisiyahan at
tumatangkilik, samantalang itong mga tumutuligsa at namimintas sa akin, ilan
kaya ang kanilang natutulungan? Kung meron man?
Ok sa aking yung marunong na tao, pero ang nakakatakot yung
ang akala marunong siya, yun pala marunong lamang manira ng kapwa. Ano pa nga
bang magagawa natin, kung hindi ipagdasal na lamang sila. Ang mahalaga ay kung
ilan ang ating natulungan at hindi ang ating nasiraan.
Bilang pangwakas, nais kong basahin ang last two paragraphs
ng tula tungkol sa issue ng Pagkopya na ginawa ni Joey De Leon, na isang
mahusay na makata na ilalabas sa Philippine Star.
Eh 'di wala nang titingin sa katalogo,
Ipagbawal mga sumusunod sa uso,
Mga impressionists ipakulong na ninyo,
Pati na rin si Willie Nepomuceno.
Ang masama lamang pagdating sa gayahan
Ay yaong masasamang asal ang tularan
At kopyahin ang pera at lagda ninuman
At gayahin ang pilay at may kapansanan.
Sana po basahin din ninyo ang Psalm 56, 63, 64
And one last thing, Mr. President. Ganito man kasakit ang
ating palitan ng katwiran, tayo'y isang bayang naghahanap ng liwanag at
katotohanan. Sana, maisip nating magpasalamat sa ating pinang-galingan -- ang
tunay na Awtor ng aklat ng ating buhay at bawa't kaluluwa ng isang sanggol na
nabuo na sa sinapupunan ng kanyang ina. Sana, lahat ng nag-dadalang-tao ay
magsilang ng tao.
This ends my privilege speech. Mr. President, with the
permission of this body, I move that the paragraph containing reference with
the study of Dr. Natasha Campbell-McBride which can be found in Journal No. 8
page 162 dated August 13, 2012 be stricken off the record in order to lay this
matter to rest.
Video courtesy of rappler.com
Video courtesy of rappler.com
No comments:
Post a Comment