Apatnapungbara Lyrics
– Gloc 9 ft. Ian Tayao
[Chorus: Ian Tayao]
Ako’y tutula mahaba
Ako’y umupo na po
Tapos na nga hugasan
Ang mga kamay ng mga makata
Lahat na yata tayo ay makata
Lahat na yata tayo ay makata
Gusto ko sanang maniwala
[Verse: Gloc-9:]
Ikaw nanaman, diba kalalabas mo lang?
Kung magsulat ka ng kanta para bang papasko lang
Tila lupang di tigang sa letra mong bilang
Walang tigil sa pag-agos pinapadulas mo lang
Di naman super lolo pero bakit sumasabog?
Ang lahat ng kuha mo kahit di makapal ang apog
Pinag manhik manaog, ibang klaseng tagalog
Parang altapresyon sa kumakapal na batok
Tapos na ang biruan, walang pala-palabok
Wag kang gumamit ng baldeng butas sa pag-salok
Magpahagod pagnapagod paghumagok magpadagok
Laging handa sa pagsusulit kahit walang pasok
Ang bata na inaral ang Aba Ka Da
E Ga Ha I La Ma Na Nga O Pa Ra Sa Ta U Wa Ya
Kung di makasabay sa aking makakaya
Bumaba ka sa aking pasada, Mama para
Ibalik ang bayad, sumayad ang speaker sa lakas
Ng tunog, lumubog ang mga mapangahas
Na humahamig kahit na hangin lang ang kinahig
Nag-uunahan sa pagdampot ng putik at ipahid
Ako ang magaling palaging sinisigaw
Sa loob ng kaing na may kalburo ang manggang hilaw
O kandilang tunaw, o itak na bingaw
Pagpinagsama natin ang dalawa, oo ikaw!
Matagal-tagal narin po akong nagtatampisaw
Sa tubig na kung minsan ay parang kanal sa hangin
Kaya may oras na parang gusto kong bumitaw
Ngunit salamat sa hindi nagdadala sa akin
Pero aaminin ko, nakakapanghinayang
Lisanin ang trabaho na kailangan mong tibayan
Ang mukha mo, ito’y bago, kabisado na tula to
Sa mukha mo itaya mo patipato ano kamo?
Bawat CDng nabenta mo wala pang limampiso
Ang babalik sayo teka wala kang benepisyo
Pero ayos lang kasi ito ang yong pinagdasal
Di man kasing bango ng lahat ng nahahalal
Mga nakakadinig, sila ang sumatutal
Pagkakataong humukay ng panibagong bukal
Na humuhubog sa isip ng mga batang may pangarap
Kahit anong mangyari wag kang bibitaw sa yakap
[Chorus: Ian Tayao]
Ako’y tutula mahaba
Ako’y umupo na po
Tapos na nga hugasan
Ang mga kamay ng mga makata
Lahat na yata tayo ay makata
Lahat na yata tayo ay makata
Lahat na yata tayo ay makata
No comments:
Post a Comment