AdSense

Sunday, September 30, 2012

GAY NOON, GAY FATHER NGAYON

Photo credit: ABS-CBN
I was backreading tweets on my timeline and saw a retweet of one of the celebrities I follow on Twitter. So, I checked the link.
It was one of the blog posts of Ogie Diaz- a popular showbiz writer, TV personality, comedian and a father. We see him everyday on TV because he is part of the phenomenal soap "Walang Hanggan".

Actually, this post is almost two years old, being published on June 18, 2011. It was a Father's Day post of Ogie. It was very heartwarming. Being a not-so-ordinary-kind-of-dad, I felt his love for his children and how he inspired other fathers and the Filipino gay community.

Though it's not a surprise that the article will surely get us because he is such a good writer, his choice of words, especially expressed in Tagalog make you jealous of him for being a special dad.

I checked his other posts but sad to say he stopped posting since April 2012.

I really like it that I have to reblog/copy the entire entry to share it with you. i hope THE Ogie Diaz won't mind it because it is for a great purpose! Here it is - verbatim:


AKIN 'TO, PAG-AARI KO 'TO!

          "Happy Father's Day!"  Batiin ko ba ang sarili ko?  Hahaha!
            Hindi para sabihin ko sa sarili kong napakadakila kong ama sa aking mga anak.  Ang makapagsasabi niyan ay ang mga anak ko.  Kaso, ang babata pa ng mga daughters ko--sina Ten, Eight, Four at Two--para isulat nila sa blog nang mahabaan kung paano nila ide-describe ang kanilang ama.
          Sa 'kin siguro, dahil bata pa sila at mahihiyain, sapat na sa akin ang mga katagang, "I love you, daddy!" kahit wala nang tse-tse buretse.  'Yun na 'yon.  Apat na salitang musika na sa tenga ko.
           'Yung iba siguro--hindi ko maiaalis--nawiwirduhan sa "pinasok" kong bonggang experience na maging isang ama sa kabila ng aking kasarian.  Kasi nga, hindi karaniwan ang tatay nina Ten, Eight, Four at Two, eh.   
          Actually,  kung susumahin ko 'yung  pagtataka ng ibang tao at mga tanong na nae-encounter ko,  parang hindi sila makapaniwalang nagkaroon ako ng biological kids.  
       At apat pa, ha?  
      Kung nagtataka sila, eh siguro nga, it's not my problem anymore. It's their problem anymore, di ba?
          Ordinaryo na lang sa pandinig ko ang mga tanong na,"Totoo, me anak ka?  As in ano...ah...ikaw 'yung umano sa babae?"
         "Baka anak ng boypren mo 'yan?"
         "Nag-ampon ka?"
         Na pag nakikita pa ang mga anak kong kasama ko, "Mga pamangkin mo?"
        Imbes na mainis ako dahil nga lagi na lang gano'n ang naririnig ko, tinatapunan ko na lang ng ngiti.  Ako rin ang talo pag napikon ako o nainsulto ako sa mga pang-uusig ng mga mata nila na parang hindi yata talaga nila maimadyin na "titigasan" ako sa babae.
      Kulang na lang na sabihin kong, "Gusto n'yo ba, mag-sex kami ng misis ko sa harap n'yo para maniwala lang kayo?"
      Pero gusto ko na lang isiping kaya gano'n na lang sila kawalang prenong magsalita eh dahil baka iniisip nilang porke komedyante ako eh dyino-joke ko lang silang may anak ako. 
      Ewan ko ba sa mga 'yon.  As if naman, kung makapang-usig, akala mo, sinusustentuhan nila 'ko monthly.
        Lagi ko ngang sinasabi, "Aanhin ko naman 'tong sandatang ipinagkaloob ni Lord kung hindi ko naman ipapasok sa tamang butas?"  Eh, may nagkagustong babae sa pagmumukhang ito, I can't help it, eh. Chos.  Hahaha! 
       But seriously, naniniwala ako-- ito ang guhit ng aking palad.
        "Ba't me anak ka? Di ba, bading ka?"
        "O, eh baket? Ba't naman hindi puwede? Baog ba 'ko?  'Yung iba nga, ni fetus, hindi biniyayaan, choosy pa ba 'ko?"
       Bigla ko tuloy naalala 'yung isang bading na tv host-comedian. Napadaan ako sa dressing room niya noon bitbit ko ang panganay kong anak na 3 years old pa lang no'n, "Anak mo?"
       Proud ko pang sinagot na, "Oo!"
       Na ang next line niya, "Kadiri ka, Ogie! Tomboy ka!"
      Hindi ko na siya binara pa.  Not in front of my kid. Baka hindi nito maintindihan kumba't makikipagtarayan ang tatay niya.  Sa loob-loob ko, "Inggit ka lang, teh!  Gandang-ganda ka sa sarili mo eh di i-maintain mo 'yang ganda mo hanggang ma-realize mo kung ano ang kulang sa ganda mo!"


       SA TOTOO LANG NAMAN, eto talaga ang ordinaryong kuwento ng isang bading.
       Na nu'ng bata pa ang bading, hate sa bahay.  Malas daw.  Parang kahihiyan sa pamilya.  Pero nu'ng lumaki na, nagkaisip, nagkatrabaho at umasenso, deadma na ang laos na paniniwala ng mga kapamilya.
      Ay, hindi pala malas.  Suwerte nga, dahil tumutulong at kung minsan ay siya pa ang breadwinner ng pamilya.  Buti nga at naging bading, dahil kung naging tunay na barako, matutulad sa ibang kapatid na mag-aasawa at hihiwalay din sa magulang.  
     Eh, ang bading, ang daling makalimot niyan ng mapait na karanasan nila nu'ng bata pa sila, eh.  Ginagawa nilang inspirasyon at motivation 'yan para lumaban at magtagumpay sa buhay.  Noon, sila daw 'yung malas, pero biglang nabaligtad. Sila pala itong umaasensong madalas at hindi iniiwan ang mga magulang.
       Kalokah, di ba?
       Karaniwan na ring kuwento 'yung madalas inaaway ng mga kapatid ang bading nu'ng bata pa, pero kalaunan, bading rin pala ang tutulong sa kapatid at sa mga anak nitong hindi mapagtapos ng pag-aaral ng mga magulang.
       Alam kong hindi makaka-relate 'yung ibang bading sa kuwentong ito, dahil hindi ganito ang naging takbo ng kabataan nila nu'ng araw.  Puwedeng mas malala pa rito o kabaligtaran. Puwedeng "prinsesa" ang naging trato sa kanya nu'ng araw ng pamilya niya.  
        Ako naman, sa totoo lang, nu'ng wala pa 'kong sariling pamilya, super tulong ako sa nanay ko, sa mga kapatid ko at sa mga anak nila.  Ginawa kong obligasyon 'yon, kaya kayod-marino ako. Na kahit barya basta galing sa marangal, papatulan ko para lang pag nangailangan sila, meron akong madudukot para sa kanila.
      Pero feeling ko, hindi natatapos ang obligasyon ko, eh.  Nag-aaral pa 'yung ibang pamangkin mo, magkakapamangkin ka na naman.  Pag ganito nang ganito, feeling ko, this is another job for Superman na naman ang drama ko.
       Kaya nu'ng mga beinte anyos ako (1990), in-entertain ko talaga ang idea na, ah, kailangan, pagtuntong ko ng treinta, may anak na 'ko.  Anak talaga.  Produkto ng semilya ko. Hindi anak ng kapatid ko na ituturing ko lang na anak-anakan, pero hindi ko pa rin pag-aari.
        Ni hindi ko rin in-entertain ang idea na mag-ampon, dahil ang dami ko ngang pamangkin, ba't ako mag-a-adopt?  Eh, di sila na lang din ang "ampunin" ko. 
        Puwera na lang siguro kung cinematic ang pag-aampon ko ng di-kaanu-ano like pagbukas ko ng gate ng bahay ko, me batang nasa basket o nasa bayong at uha nang uha.  'Yun ang exciting para sa akin.
       Pero sabi ko nga, ang mga pamangkin ko, kahit tulungan kong makatapos ng pag-aaral hanggang sa makapagtrabaho,  matutuwa ako definitely.  Pero ayokong dumating ang time na dahil nag-iisa na ako sa buhay ay hindi man lang ako mabantayan ng pamangkin ko sa aking pag-iisa at kalungkutan, dahil meron na rin silang sariling buhay at pamilya.
       Ayokong ma-experience 'yong nae-experience ng ibang kaibigan kong bading na umiiyak na lang. 'Yung isa, naghirap. Humihingi ng tulong sa pinag-aral na kapatid, pero tinanggihan siya. 
      'Yung isa nama'y makikituloy lang sa bahay ng pamangking pinagtapos niya ng pag-aaral, pero hindi naipaglaban sa misis nito ang sandaling panunuluyan ng tiyuhing bading.
      Ini-imagine ko pa lang, ang sakit na.  What more kung sa akin pa 'to mangyari?  Baka ikamatay ko pa.  Ba't ko pa hihintayin ang eksenang 'yon? Eh, di gawa ako ng akin.  
      At sa edad treinta'y uno, isa na akong ganap na ama.  
      At ngayon, ang apat kong anak at ang kanilang ina.  Sila.  Sila 'yung matatawag kong akin. Pag-aari ko na hindi puwedeng angkinin ng iba, dahil akin. 
      Ang mga anak ko ang mga itinuturing kong "buhay na monumento ko" pag ako'y nabura na sa mundo.  Sila 'yung magpapaalala sa mga tao na, "Anak po ako ni Ogie Diaz." (Pero 'wag Mo muna akong kunin, Lord, ha?  Sampol lang po ito.)
      Matagal na akong "nagtatanim" sa mga kaibigan ng mabuting pakikisama at pakikipagkapwa-tao, dahil hindi ko man "anihin" 'yan ngayon, darating ang panahong mga anak ko ang aani ng lahat ng itinanim ko.
      Tandang-tanda ko noon si Kuya Boy Abunda, kausap ko.  Bilib na bilib ako sa ganda ng takbo ng career niya. Sabi ko, "Juice ko, ang yaman-yaman mo na, Kuya Boy.  Ang bait mo rin kasi, kaya you're so blessed! Naiinggit ako sa 'yo!"
      Sagot ni Kuya Boy, "'Mas nakakainggit ka, Ogs.  You're more blessed.  You have kids! Hindi ko kaya 'yan!"
      And that's the bottomline.


Thanks to:  http://www.ogiediaz.blogspot.com

No comments:

Post a Comment

Adsense

AdSense