Pinasok ng mga
hinihinalaang magnanakaw ang munisipyo ng Masantol kagabi ayon sa kwento ng
ilang mga testigo.
Habang
kasagsagan ng ulan, bandang 7:00 hanggang 8:00 ng gabi hinihinalang pumasok sa
munisipyo ang mga magnanakaw. Ayon sa salaysay, nakapagtatakang nakasindi ang
ilaw sa opisina ng Municipal Treasurer’s Office na nasa ground floor ng
munisipyo. May residenteng dumadaan ang aksidenteng napasilip sa nakakandadong glass
door ng munisipyo at nakita niya ang isang tao na mahaba ang buhok at
nagmamadaling umakyat sa second floor. Dali-dali itong ini-report sa mga pulis
na ilang hakbang lamang ang layo sa munisipyo.
Napag-alaman na
nabasag ang pintuan ng treasurer’s office.
Nakita rin na bukas ang dapat ay nakakandadong pintuan ng Sangguniang Bayan office.
Hindi pa
naglabas ng official statement ang Office of the Mayor at ang PNP Masantol
dahil kasalukuyan pa rin ang investigation. Hindi pa alam kung anu-ano ang
nasira at nawala sa munisipyo.
Sa ngayon ay
naka-cordon at padlock ang munisipyo at wala pang pinapayagang pumasok at hinihintay
ang SOCO team upang pangunahan ang investigation. Kasalukuyang nasa labas ang
mga empleyado ng munisipyo.
No comments:
Post a Comment