Matindi ang inabot ng isang cashier ng canteen matapos
buhusan ng tubig, batuhin ng bote, pagmumurahin at pakainin ng pera ng isang
customer na huling-huli sa CCTV.
Maluha-luhang dumulog ang cashier na si Marjorie Reynaldo sa
barangay bitbit ang ebidensya ng pagmamaltrato ng customer na napag-alamang
may-ari ng laundry shop na malapit sa canteen. Napag-alamang John Paul Encinas
ang pangalan ng nang-abusong customer.
Kwento ni Marjorie, nananghalian sa kanilang canteen si John
Paul ngunit hindi agad nagbayad at sinabing kukuha lamang ng pera sa kotse.
“Nung siningil ko po s’ya
sabi niya mamaya na lang po daw dahil ang pera n’ya nasa kotse. Sabi ko ‘di po
pu-pwede, ngayon na. Sinabi ko po kung sa laundry po ba pu-pwede po ba yon
tapos dun na po s’ya nagalit, tapos nagsisigaw po,” kwento pa ni Marjorie.
Nang bumalik si John Paul pagkatapos ng isang oras, uminom
pa daw ng tubig pagkatapos ay binuhusan ng tubig ang kahera.
Huling-huli sa camera ang ginawa ng customer kay Marjorie.
Hinatak ni John Paul ang kanyang damit kaya humampas ito sa counter. Maya-maya
lamang, binato nito ng bote ng mineral water at binuhusan ng tubig si Marjorie.
Walang nagawa ang pobreng kahera kundi umiyak.
Ilang minuto pa ay may ibinigay na pera ang kasamahan ni
John Paul at dali-daling pumasok si John Paul sa cashier at isinubo niya ang
bayad kay Marjorie.
Tinangkang pigilan si John Paul ng kasamahan ni Marjorie ngunit
sumige pa rin ito at pinakain ang pera kay Marjorie.
Sinubukan daw kunin ang panig ni John Paul Encinas pero ayaw
daw pa-interview nito ayon sa staff ng kanyang laundry shop.
Ito ang kumakalat na picture daw ni John Paul
Encinas.
At ito ang nasabing video na kuha sa CCTV camera.
At ito po ang interview ng customer na si John Paul Encinas
Paging the parents of this guy, reprimand him right away! Ang lakas ng loob magpainterview sa tv na nagmamalaki pa! What a stupid moron! kahit saan mo tingnan sya ang may kasalanan. To think na after 1 hour bumalik sya at ginawa yun is already pre-meditated actions, talagang plano nya saktan si Merjorie not just mere outburts over a heated argument dahil wala syang pambayad on hand pagkatapos nya kumain. Sana bagi sya kumain e kinuha na muna pera kung nandun lang pala sa labas kotse di ba? Feeling paimportante kasi. Sya ang nakahanap ng katapat! Buong sambayanang Pilipino katapat nya. Who does he think he is? kahit presidente ng pilipinas walang karapatan gawin yun.
ReplyDeletetrue wala syang karapatan na manakit
DeleteWALANG KWENTANG TAO TO!!.. WALANG PINAG ARALAN.!
ReplyDeleteDapat sa mga taong ganyan kinukulong.Anu pa ba ang dapat imbestigahan eh nandun na lahat sa video ang ginawa nya.Kapag ang lalaking to hindi nakulong mawawala na talaga ang tiwala ko sa justice system ng Pilipinas.
ReplyDeletee makikitid pala utak nyo eh!!!pinaiiralan nyo yung galit kaagad sa puso nyo...e wala naman kyo dun kung ano talagang nangyari kung bakit ganuon nalang ang naging reaksyon ng mamang customer...ang hirap sa ating mga pinoy mahilig tayong manghusga kaagad...
ReplyDelete