Nagmistulang
town fiesta sa hiyawan, dami ng tagasuporta at pagka-grandiyoso ang pag-file ng
Certificate of Candidacy (COC) ni Engr. Dan Guintu na tumatakbong mayor at ng
kanyang buong partido ngayong umaga sa Comelec Office ng Masantol.
Pinangunahan
ni Dan, tubong Brgy. Sua ang kanyang grupo sa pag-file ng COC. Kasama niya ang
kanyang kandidato para pagka-bise mayor na si Bajun Lacap at ang kanyang walong
konsehal na sina Ralph ‘Rap-Rap’ Nulud isang registered nurse at ang kasalukuyang namamahala ng kanilang family business Apung Esa's Bakery, barangay captain ng Sta. Lucia Anac na
si Edgar Guinto, barangay captain ng San Isidro Matua – Jimmy Balingit, dating
municipal councilor, Dr. Rudy Yamat, dating pulis at ngayon ay barangay kagawad
ng Sta. Lucia Anac na si Rene Layug, Anding Manansala na taga San Nicolas,
Carlito Lacap at ang nag-iisang babae sa line-up, Haydie Ducot na tubong Sapang
Kawayan.
Nagkaroon ng
maikling pagpupulong sa Masantol Covered Court bago nag-file ang grupo ng
kanilang mga COC. Naging mainit ang pagtanggap ng mga tao sa bawat
pagpapakilala sa mga kandidato.
Dinaluhan
ang nasabing pagpupulong ng mga prominente at dating magkakatunggaling mga
pulitiko sa Masantol kagaya nina dating Vice Mayor Jay Bustos at dating Mayor
Epifanio Lacap.
Panoorin
ang kumpletong video ng mga kaganapan bukas sa blog na ito. Samantala, nandito
ang mga ilang larawan na nakunan kanina.
Full Party Line-Up
Mayor: Dan Guintu
Vice Mayor: Bajun Lacap
Councilors
1. Ralph "Rap-Rap" Nulud
2. Jimmy Balingit
3. Edgar Guinto
4. Anding Manansala
5. Rudy Yamat
6. Haydie Ducot
7. Carlito Lacap
8. Rene Layug
No comments:
Post a Comment