Handog
Umagang Kay Ganda
Panalangin
Doon Lang
Ikaw Lang Ang Mamahalin
Tao
Masdan Mo Ang Kapaligiran
Malayo Pa Ang Umaga
Sana
Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan
Kay Ganda Ng Ating Musika
Anak
Malayo Pa Ang Umaga
Lyrics - Sarah Geronimo
Malayo pa ang umaga,
kahit sa dilim
naghihintay pa rin
umaasang bukas ay may liwanang
sa aking buhay umaga ko'y aking hinihintay.
Sadya
kayang ang buhay sa mundo
ay kay pait, walang kasing lupit
kailan kaya ako'y 'di na luluha?
at ang aking
pangarap
ay unti-unting matutupad.
Refrain:
Malayo pa ang umaga, 'di matanaw ang
pag-asa
hanggang kailan matitiis ang paghihirap ko?
at sa dilim hinahanap
ang pag-asa na walang
landas
kailan ba darating ang bukas para sa'kin?
Malayo pa ang umaga.
(Repeat Ref)
Handog - Sarah
Geronimo
Parang kailan lang
Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin
Dahil sa inyo
Narinig ang isip ko at naintindihan
Kaya't itong awiting aking inaawit
Nais ko'y kayo ang handugan
Parang kailan lang
Halos ako ay magpalimos sa lansangan
Dahil sa inyo
Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman
Nais ko kayong pasalamatan
Kahit man lang isang awitin
Tatanda at lilipas din ako
Nguni't mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil, minsan, tayo'y nagkasama
Parang kailan lang
Halos ako ay magpalimos sa lansangan
Dahil sa inyo
Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman
Nais ko kayong pasalamatan
Kahit man lang isang awitin
Tatanda at lilipas din ako
Nguni't mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil, minsan, tayo'y nagkasama
Umagang Kay Ganda -
Sarah Geronimo
Halika na pumikit limutin ang problema
Hihintayin ang umaga
Magpahinga, panaginip ang ikaliligaya
Darating din ang umaga
Chorus:
Basta't tayo'y magkasama
Laging mayro'ng umagang kay ganda
Pagsikat ng araw
May dalang liwanag
Sa ating pangarap, ooh...
haharapin natin (haharapin natin)
Magpahinga, panaginip ang ikaliligaya
Darating din ang umaga
Chorus:
Basta't tayo'y magkasama
Laging mayro'ng umagang kay ganda
Pagsikat ng araw
May dalang liwanag
Sa ating pangarap, ooh...
haharapin natin (haharapin natin)
Bridge:
Ang sikat ng araw
Na may dalang liwanag
Chorus:
Basta't tayo'y magkasama
Laging mayro'ng umagang kay ganda
Pagsikat ng araw
May dalang liwanag
Sa ating pangarap, ooh...
haharapin natin (haharapin natin)
Ikaw Lang Ang
Mamahalin Lyrics - Sarah Geronimo
Sa bawat pag-ikot ng ating buhay
May oras kailangan na maghiwalay
Puso'y lumaban man walang magagawa
Saan ka, kailan ka, muling mahahagkan
Magkulang man sa atin itong sandali
Alam ko na tayo'y magkikitang muli
Hangga't may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin
Puso'y lumaban man walang magagawa
Saan ka, kailan ka muling mahahagkan
Magkulang man sa atin itong sandali
Alam ko na tayo'y magkikitang muli
Hangga't may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin
Tao Lyrics - Sarah
Geronimo
Tulad ng isang ibon, tao ay lumilipad
Pangarap ang tanging nais na marating at matupad
Isip ay nalilito pag nakakita ng bago
Lahat ng bagay sa mundo ay isang malaking tukso
Bakit pa luluha
Bakit maghihirap
Ayaw mang mangyari
Ay di masasabi
[chorus]
Sasaktan mo lamang
Puso ay ‘wag sugatan
Ito’y laro lamang
Sa mundong makasalanan
Tubig ay natutuyo, bulaklak ay nalalanta
Araw ay lumilipas, sa gabi rin ang punta
[repeat chorus]
Tulad ng isang ibon, tao rin ay namamatay
Pangarap ang tanging nais, makarating sa kabilang buhay
Tao, tao
Sa mundong ito
Masdan Mo Ang
Kapaligiran - Sarah Geronimo
Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.
Refrain 1:
hindi na masama ang
pag-unlad at malayu-layo na rin ang ating narating ngunit masdan mo ang tubig
sa dagat dati'y kulay asul ngayo'y naging itim ang mga duming ating ikinalat sa
hangin sa langit huwag na nating paabutin upang kung tayo'y pumanaw man,
sariwang hangin sa langit natin matitikman
Refrain 2:
mayron lang akong hinihiling sa aking pagpanaw sana ay
tag-ulan gitara ko ay aking dadalhin upang sa ulap na lang tayo magkantahan
Refrain 3:
mga batang ngayon lang isinilang may hangin pa kayang
matitikman? may mga puno pa kaya silang aakyatin may mga ilog pa kayang
lalanguyan?
Refrain 4:
bakit di natin pagisipan ang nangyayari sa ating kapaligiran
hindi na masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasandarating ang
panahon mga ibong gala ay wala nang madadapuan masdan mo ang mga punong dati ay
kay tatag ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan
Refrain 5:
lahat ng bagay na narito sa lupa biyayang galing sa diyos
kahit nong ika'y wala pa ingatan natin at 'wag nang sirain pa pagkat pag
kanyang binawi, tayo'y mawawala na
Repeat refrain 2:
Doon Lang Lyrics -
Sarah Geronimo
Kung natapos ko ang aking pag-aaral
Disin sana'y mayron na akong dangal
Na ihaharap sa'yo at ipagyayabang
Sa panaginip lang ako may pagdiriwang
Yaman at katanyagan sa akin ay wala
Kakisigan ko ay bunga ng isang sumpa
Ang aking ina ang tangi kong tagahanga
Sa panaginip lang ako may nagagawa
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong pagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita mahahagkan t'wina
Doon lang
Kung 'di dahil sa barkada ay tapos ko na
Ang pag-aaral na nagbibigay ng halaga
Sa awitin kong ito mo lang madarama
Mga pangarap kong walang pangagamba
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong pagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita mahahagkan t'wina
Doon lang
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong pagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita mahahagkan t'wina
Doon lang
Hanggang Sa Dulo Ng
Walang Hanggan Lyrics - Sarah Geronimo
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
hanggang matapos ang kailan pa man
ikaw ang s’yang mamahalin
at lagi ng sasambahin
manalig kang ‘di ka na luluha giliw
At kung sadyang
s’ya na ang ‘yong mahal
asahan mong ako’y di hahadlang
habang ikaw ay maligaya
ako’y maghihintay maging
hanggang sa dulo ng
walang hanggan
Giliw kung sadyang
s’ya na ang ‘yong mahal
asahan mong ako’y ‘di hahadlang
habang ikaw ay maligaya
ako’y maghihintay maging
hanggang sa dulo ng
walang hanggan
Panalangin - Sarah
Geronimo
Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin
Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita
Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin
Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita
Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin
Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin
Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko
Kay Ganda Ng Ating
Musika - Sarah Geronimo
Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Naging makulay ang aking munting daigdig
Tila ilog pala ang paghimig
Kung malalim, damdami'y pag-ibig
Kung umapaw, ang kaluluwa't tinig
Ay sadyang nanginginig
Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Bawat sandali'y aking pilit mabatid
Ang himig na maituturing atin
Mapupuri pagka't bukod-tangi
Di marami ang di-magsasabing
Heto na't inyong dinggin
KORO:
Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin
At sa habang buhay awitin natin.
Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Nagkabuhay muli ang aking paligid
Ngayong batid ko na ang umibig
Sa sariling tugtugtin o himig
Sa isang makata'y maririnig
Mga titik, nagsasabing:
(Ulitin ang Koro ng dalawang beses)
Kay ganda ng ating musika!
Anak Lyrics – Sarah Geronimo
Noong isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo
Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin
Noong isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan"
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng di mo napapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali...
Sana Lyrics - Sarah Geronimo
Sana Lyrics - Sarah Geronimo
Sana ang buhay
Ay walang dulo o hangganan
Sana’y wala nang
Taong mahirap o mayaman
Sana’y isa ang kulay
Sana’y wala ng away
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Nang bawat isa sa mundo
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Sana’y magkatotoo
Sana’y laging magbigayan
Sana’y laging magmahalan
Sana ang tao’y
‘Di nagugutom o nauuhaw
Sana’y hindi na
Gumagabi o umaaraw
Sana’y walang tag-init
Sana’y walang taglamig
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Nang bawat isa sa mundo
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Sana’y magkatotoo
Sana’y laging magbigayan
Sana’y laging magmahalan
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Nang bawat isa sa mundo
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Sana’y magkatotoo
Sana’y laging magbigayan
Sana’y laging magmahalan
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Nang bawat isa sa mundo
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Sana’y magkatotoo
Sana…
No comments:
Post a Comment