AdSense

Wednesday, November 7, 2012

Bakit Hindi Lyrics – Gloc 9 ft. Billy Crawford

Bakit Hindi Lyrics – Gloc 9 ft. Billy Crawford
 [Chorus: Billy Crawford]
Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit hindi?
Nalang sabihin sa sarili

Pagbutihan mo ng maigi
Kamusta kung may imposible…
Bakit hindi? Bakit hindi?
Nalang sabihin sa sarili

[1st Verse: Gloc-9]
Dahil lang ba ang mga bagay na nakaharang
Sa’yong daraanang hagdanang
Mataas, madulas kahit na matumba
Ay hindi mo pababayan at tuluyang mabahiran ng alinlangan
Bawat hakbang, tawirin mo man dagat,
Sabayan hanging habagat
Baga’t apoy
Bawat patak ng dugo’y
Di mawawalan ng saysay ang mga boses at panaghoy
Dahil ang mga araw na dumarating ang nagsisilbing pag-asa
Sa kanila na sa pait ng buhay nawalan na ng panlasa
Walang trabaho, mawalang makain, bubungan na tinangay ng hangin
Humahaba na ang listahan sa tindahan ng saging
Lima ang anak mo na sanggol, kailangang ipagtanggol
Sa kahirapan na pumupukol, isip mo na buhol-buhol
Ano man ang kahantungan, palagi mong tatandaan
Kapag hindi kana bumangon ay dun ka pa lang magiging talunin
Diinan ang tapak sa lupa, punasan mo ang luha
Kung hindi ka susuko, hinding-hindi ka huhupa

[Chorus: Billy Crawford]
Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit hindi?
Nalang sabihin sa sarili

Pagbutihan mo ng maigi
Kamusta kung may imposible…
Bakit hindi? Bakit hindi?
Nalang sabihin sa sarili

[2nd Verse: Gloc-9]
Bakit? Bakit gumigising?
Bakit? Bakit dumidilat?
Hindi pwedeng tumigil kahit mabigat ang buhat
Hindi kumukurap kahit ilang beses ginulat
Handa nang sumagupa sa lahat ganon kakunat
Ang balat, namalat sa lakas ng sigaw
Iangat, kumagat, lunukin ng hilaw
Higpitan mo lang ang hawak wag na wag kang bibitaw
Ang kalaban mo lang ay walang iba kundi ikaw
Lagi kang magpasalamat na ikaw ay binigyan
Ang isipin mo na lamang ay lamang tiyan din yan
Kahit tuyo na ang halaman tyagain mong diligan
Hanggang ikaw ay lumaguna na akala mo Biñan
Lahat ng ‘yong naaabot ay pilitin mong higitan
Patilimin ang patalim at maghanda kang gilitan
Kung hindi mo nagawa, wag mo na muling tignan
Marami pang pagkakataon ang nasa ‘yong harapan

[Chorus: Billy Crawford]
Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit hindi?
Nalang sabihin sa sarili

Pagbutihan mo ng maigi
Kamusta kung may imposible…
Bakit hindi? Bakit hindi?
Nalang sabihin sa sarili

No comments:

Post a Comment

Adsense

AdSense