AdSense

Saturday, November 10, 2012

My Game Lyrics - Mike Kosa


My Game Lyrics - Mike Kosa
Halika na’t pasukin natin ang mundo ng laro
Mike kosa mas matindi pa sa mga egoy at kano
Kapag bumanat sa mic katumbas ko’y ilang tumpok
Sa aking dila na hindi na nagbabago ng tumbok

Hinasa ng panahon kasabay ng beat box kong istilo
At inilapat ang mga letrang sintigas like eskudero
At ilang kwentong barbero ang aking natanggap
Ang masapawan ang pangalan ko kay hirap matanggap

Ako yung bata na gustong gustong gawing bataan
Ng beteranong naturingang utak ay walang laman
Magco-compose ng English rap na ang puntiryay magpabounce
Nagpapanggap na inglesero mga bobo mag-pronounce

Full effect pero ang rhyming ay nadiscorrect
Hindi ma-take ang pag-arte sabi ni direk
Wala kang karangalan para sa akin magyabang
Isa ka lang na tagahanga na gusto sakin mag-abang

Ikaw ay bata para sakin wag kang mag-magaling
Wala ka pa sa kalahate ng aking narating
Ngayon ka pa lang sumusibol at biglang sumulpot
At kumpara sakin na kay dami ko ng nasundot

Ng dahil lang sa pagra-rap kay dami ng nainggit
Pinapagana ko ay utak at hindi ang damit
Kasi ang iba ay nagra-rap para lang sa chikas
Eh pano kung hindi na uso bigla kana lang lilikas

Hindi usapan kung beterano o maging baguhan
O kung ang mic ay nasa kaliwa o nasa kanan
Ang importante para sakin ay maging Malaya
Hindi yung tipong champion ka ng dahil lang sa daya

Hindi ka dapat mag-angas o umasta na sikat
Alam ko alam mo rin na alam rin ng lahat
Ika’y nagbibingi-bingihan at nagpapaka-disente
Na sa tuwing ito ay tama nagpapanggap kang inosente

Ang aking flow ay napaka-simple pero di nauutal
Ang mga rhymes buong bou pero malayong magbutal
Ipinamalas na ang husay sa mga klase ng dwelo
Kung ikaw ang makakalaban di ko kaylangan pang bumwelo

Di naging basehan sa dami ng iyong alalay
Ang pagiging magaling wala sa estado ng buhay
Laki man sa tundo walang sapat na pera
Aking kanta’y dekalidad at yaman ko ang letra

Hindi ako nagbibitaw ng mga patapon
Isang talento na hindi pinansin ng ilang taon
Ako yung preso na pinapangarap mong bumaba
At gusto mo kong isama sa iyong pagkadapa

Ikaw ang nagsimula, ikaw ang unang nagpahangin
Binaba ko na ang lona mula sa pinilakang tabing
Hindi ka bagay mag-artista tanggalin ang maskara
Batalyong aking nakalaban tinumba kong mag-isa

Sa mga gustong mag-hari na ang trono ay bunyong
Kung gusto nyong maka-isa humalik sa aking tumbong
With my groups, dos talentos and 187 mobstah
Sapul ang humahatol sa mahusay na makata
MIKE KOSA.

No comments:

Post a Comment

Adsense

AdSense