AdSense

Tuesday, December 25, 2012

DATING ELECTED OFFICIAL NG MASANTOL, NANUTOK NG BARIL SA MGA MENOR DE EDAD?

This is the alleged bullet recovered at the 'crime scene'

DISCLAIMER: Ang balitang inyong mababasa ay ayon sa salaysay ng mga biktima. We are not saying that it is the real story of what really transpired during the ‘pointing gun’ incident. This is a one-sided story as told by the victims who are minors. Dahil hindi pa po natin makuha ang stataement ng kabilang panig, I will not mention the names of the persons involved. Inuulit ko po, hindi po tayo magbabanggit ng pangalan sa balitang ito hangga’t hindi natin nakukuha ang story ng kabilang panig. HININGI PO NG MGA KAMAG-ANAKAN NG MGA BIKTIMA NA I-BLOG NATIN ITO DAHIL MARAMI PONG MGA TAGA-MASANTOL ANG NAABOT NG ATING BLOG. MARAMING SALAMAT PO SA PAGTITIWALA.

            On December 23, at around 10:45 in Brgy. Sua, tinutukan ng baril ng isang dating elected official ng Masantol ang tatlong kabataan – dalawa sa kanila ay menor de edad.

            Ayon sa salaysay ng biktima, nagkukwentuhan sila at iba pang mga residente ng Brgy. Sua sa harapan ng isang tindahan at nandoon din ang ibang opisyales ng kanilang barangay.

            Bigla na lang dumating ang dating elected official na may dalang baril at pinagmumura ang tatlong kabataan habang nakatutok ang baril. Nagawa ng isa sa mga nakasaksi na ‘hawiin’ at ‘makipag-struggle’ sa dating elected official at nagawang ma-i-unload ang bala ng baril at mahulog sa lupa. Dahil sa takot ay sinubukang tumakbo ng mga kabataan ngunit nahuli ni dating elected official ang isa sa kanila na siya naman daw talaga ang puntirya. Sinabi ng mga biktima na maaring ang naging ugat ng pagwawala at panunutok ng baril ng dating elected official ay ang di-pagkakaunawaan nila ng isa sa mga biktima na kanyang nabugbog.

Pag-aalaga daw ng manok ang trabaho ng biktima at katabi lang daw ng bahay ni dating elected official ang bahay na pinagtatrabahuhan ng biktima. Inakusahan daw ni dating elected official na illegal na ginagamit ng biktima ang connection nito sa tubig. Gumagamit daw ng hose ang biktima para ipandilig sa garden at paglinis sa manukan. Akala daw ni dating elected official ay ‘nagnanakaw ng tubig’ o illegal na kumokonekta sa kanilang gripo. Nang sinabi daw ng biktima na sa kanila ang gripo na ginagamit at ipinakita nito mismo ang koneksyon nila sa gripo ay napahiya ang dating elected official.

            Wala ang kanilang punong barangay nang nagyari ang insidente kaya tinawagan ng ama ng isa sa mga biktima sa cell phone ang pulisya at agad naman rumesponde ang mga ito at hinuli ang dating elected official. Ngunit nang idadala na sa police headquarters ay biglang nahilo ang dating elected official at nagpadala sa hospital. Siya ngayon ay nagpapagaling sa hospital.  

            Nakakalungkot dahil Paskong-pasko pa naman at nangyari ang insidente.

            Ipinagdarasal po naming ang paggaling ng binatang biktima at gayon din ang mabilis na paggaling ni dating elected official. Bukas po ang blog na ito para sa pagbibigay liwanag sa nangyari.

These are the photos taken at the alleged 'crime scene'

This is where they found the bullet

This is where they found the bullet



This is the bruise on the body of the victim






             

No comments:

Post a Comment

Adsense

AdSense