Hari Lyrics- Frank
Magalona
Ikaw parin ang hari kahit anong mangyari ibang klase kang
narra talagang wala ng uubrang lagari sa makatang natatangi ikaw ang huwaran
palagi ng mga bata sa kalsada mga manong at ale'y nagkandarapa sa pagratsada ni
Kiko sa "Bagsakan", "Mga Kababayan" na nasilayan ko doon sa
lansangan sabi nila "sayang napilayan ang musika ng bayan, sayang parang
nawala ang susi sa'ting kalayaan" mula dekada nobenta bumenta ay teka
nakalimutan kong isama ang petsa hindi ko na pala maalala ang tiyak na araw ng
pagbenta, sa libo-libong casette sa dami ng hapit maraming naibalik sa
tumangkilik sa unang hit, pinaliguan niya ang may anghit binago ang buhay ng
mga yagit nilagyan pa ng kulay ating daigdig at ang dating mapungay na paniningin
ay nahukay mula sa lantarang lagim binuhusan ng tubig ang bagong tanim ng mga
liriko at gitara na din bago pa bumalik ang kagat ng dilim ilang barra na din
ang nagpatibok sa puso natin kasabay ng hangin pinakamalakas na tama parang
bang iskwinala mula sa pagputok ng mga bala ng kaniyang likha na samahan mo pa
ng adhikhaing kumapit na parang linta sa ating kathang pagkain isalin sa utak
natin at huwag kalawangin 'yan ang tanging dalangin ng pambansang makatang nasa
langit... Isalin sa utak natin at huwag kalawangin 'yan ang tanging dalangin ng
PAMBANSANG MAKATANG NASA LANGIT.
Mare pare pare mare pare saan na ba talaga ang daan anong
kalye kailangan kong mahanap ang koronang may diyamante ako'y napagutusan
lamang ng tanyag na hari... Manong ale manong at ale, ale saan na ba talaga ang
daan anong kalye kailangan kong mahanap ang koronang suot niya dati laganapan
ang paghahanap para sa ating hari.
Ang mga iniwang talata ng kayumangging makata ituring nating
mga kataga't abakadang nakatala sa pisara na siyang pagaralan sana ng ating
kinabukasan mga batang bagong salang, ating pag-asang inaasam ay di malayong
matamasa kung mataas ang tiwala sa sarili at sa kapwa huwag mabahala ang
katiwala mo ay si Bathala ang may sungay ay walang laban kung ikaw ang pinagpala
basta ikaw ang nasa tamang pag-iisp, ang disiplina'y liwanag mo sa dilim, hindi
ka mahina 'pagkat ang paghinang sa utak mo'y parang sa makina din, anong kayang
gawin ng mga salarin kung ang titig mo'y sing-talas ng patalim, at ang mga
labing nakatikom, sa guni-guni nila'y mayroon na ring patikim ng mga salitang
ibinibigkas tuwing nagdidilim na ang ating paniningin, tatagan ang loob at
lumaban na din sa mga tao na dapat lang puksain, hahayaan mo ba na ika'y
tuksuhin na isang pambihirang matatakutin? Kailangan mo'ng maipakita ang tapang
kundi sa kangkungan ka dadamputin ng mga parak diyan talamak ang paghuli ng mga
may tiyan sa mga habuling salot ng bayan mamalayan ka nga at iwasan ang mga
talangka, yan ang binitawang salita sa akin ng makatang bihasa, at sapul sa
simula pumasok ang mga akda mula saking pagkabata hanggang sa pagkabinata
hanggang saking pagtanda na, ito'y sadya ng tadhana, walang hangganang
paghanga, MASAGANA SA MGA OBRA MAESTRA ANG KANIYANG PANGALAN. Ano pang naiisip
mong iharap pa dito? Wala nang tatalo sa mga panalong pambato ni KIKO MAGALONA,
IMPOSIBLENG MAGKAROON NG PANIBAGONG MAY KORONA SA MAY TRONO'T NAKAPORMA.
No comments:
Post a Comment