Ngayon Nandito Ka
Lyrics - Curse One Feat. Kawayan
Nang una kitang nakita
muntikan na Akong tangayin ng hangin sa paligid ko Simula nang narinig ko ang
boses mo ewan ko Bakit ganito, hindi na kita maalis sa isip ko Ikaw ang syang
musikang tumutugtog sa puso ko At gusto ko lang sanang malaman mo Na kahit na
magkalayo man tayong dalawa ay Hindi ka mawawalay sapagkat nakalagay Ang
pangalan mo sa puso ko na di na mapapalitan Wala ng ibang pwede pang makahigit
sa ating mga nakaraan Ikaw lang ang nagiisang prinsesa ko At ako ang ninja mo
tagapagbantay mo At handang saluhin mga problema mo Yo di ko na kailangan pa ng
iba pagkat wala ng iba pang Pwede pumalit sayo ikaw lamang ang nagiisa At kahit
na madami man ang dumaan at dumating Walang silang taglay ng tulad ng sayo
aking sinta Chorus: Ngayong nasa akin ka na Ang yong kamay hindi ko na muling
bibitawan pa At di ko na muling hahayaan na lumuha ang yong magandang mata Asahan
mo nandito lang ako para lang sayo At ang puso kong ito'y nakalaan para lang
sayo 2nd verse (Kawayan): Para bang naglalakbay na sa alapaap Sa tuwing ika'y
nakakausap at Makita ka lang ito na'y sapat (2x) Sana'y maniwala ka mga
sinasabi ko sayo ay mula sa puso Sana na madama mo kung gano ito katotoo Kahit
nasa malayo ka aking tutuparin aking mga ipinangako Asahan di magbabago ang
nararamdaman ko para sayo Wala ng araw na di kita inisip At walang gabi na
nawala sa panaginip pinipilit Mahagilap ang isang katulad mo Hindi ako
napapakali pag di ko nakamusta kalagayan mo Kaligayahan ko ang ika'y aking
sundin at mapaglingkuran Sabihin mo lamang kung kailan kailangan walang
alinlangan ako'y Paparyan Ikaw ang aking bituin na, naaabot lamang sa aking
tingin Mamahalin kita na hindi katulad ng Iba na puro salita na di naman kayang
panindigan Halika rito o lumapit ka... di na kita papakawalan pa! (Rep. Chorus)
3rd Verse: (Kawayan) Ang yong kamay ay hindi ko na bibitawan Pag kakapit ko'y
hihigpitan at di na kita papakawalan Kahit sa isip di ko magawa Kahit sa isip
di ko magawang pakawalan Kapag sinta dito sakin ika'y mahalaga Kaw ang hangin
ng'king hinihinga Baliwala na mawala sakin lahat at wag lang ikaw Ako'y ligaw
kung di kita nakakasama Ikaw aking ilaw nagbibigay buhay at kulay na tunay
ligaya Magpakailanman (Curse One) Ako ang Prinsepe mo, Tagapagsilbe mo Pagkat
ang puso ko sayo ako'y alipin mo Kung pwede lang sana silipin mo ng makita mo
ang pangalan na Kusang nakaukit sa puso ko at Ang mahalin ka ng sobra'y di ko
sinadya hawakan mo aking kamay Di mo kailangan mangamba halika tayo ay
maglalakbay Sa mundo na kung saan tayong dalawa lang at walang magulo Mahal na
mahal kita sana'y malaman mo!.
No comments:
Post a Comment