AdSense

Sunday, August 12, 2012

Kaibigan Lang Lyrics - Hambog Ng Sagpro Krew y Feat. Dopestyla


Kaibigan Lang  Lyrics
by Hambog Ng Sagpro Krew Feat. Dopestyla


1st Verse:
Nakatambay ako syempre gawaing binatilyo
Ako ay nagiisa at hawak ko ay sigarilyo
At bigla kang dumaan at ako'y napatingin
Tumayo akong bigla na parang may nais hingin
Ano kaya yon hmmmm siguro numero
Di ko alam ang gagawin bigla akong natuliro
Huminga ko ng malalim ang loob nilakasan
Ang nadadamang kaba sa katawan nilampasan
Itinanong sayo
HAMBOG: "Miss teka lang anong pangalan mo?"
Sabe mo naman
DOPESTYLA: "Baket at ano naman sayo?"
Sabe ko ulit sayo
HAMBOG: "Gusto ko lang malaman - Baka pwede naman ate sayo makipagkaibigan?"
Ang sagot mo sakin
DOPESTYLA: "Sus yun lang naman pala eh - Walang problema don basta't nanjan ka lang palage
- Pag ako'y nalulumbay maaasahan ba kita?"
Ang sagot ko sa iyo
HAMBOG: "Syempre naman ako pa!"

2nd verse:

Simula non tayo'y naging matalik na kaibigan
Bantayan alagaan ka aking kinahiligan
Pag sayo'y may manliligaw ika'y cocontactin
Tatawagan ka nila at aking kokontrahin
DOPESTYLA: "Dadating ang manliligaw ko na may sasakyan"
HAMBOG: "Wag kang sumama sige ka ang puso mo wasak yan"
DOPESTYLA: "Eh ang sabe nya wala pa syang nagiging kasintahan"
HAMBOG: "Marame nang naloko yan oh eto ang listahan"
Hind ko masabi ang nasa damdamin
Na parang gusto kong ika'y mapasakin
Naalala ko noon ako ay tinitigan
Ako'y naiinlove ngunit aking pinipigilan
Ano kaya itong nadadama
Sayong mata ako'y nadadala
Minsan nga gusto sabihin sa iyong mahal kita
Kaso baka sagot lang saken
DOPESTYLA: "Wag ka ngang magpatawa" (CHE!)

3rd Verse:

HAMBOG: "Pwede ba kitang yayain?"
DOPESTYLA: "Saan?"
HAMBOG: "Sa pasyalan"
DOPESTYLA: "Sige ba"
HAMBOG: "Pagkatapos ituloy na sa kasalanan"
DOPESTYLA: "Ha? Baliw ka ba?"
HAMBOG: "Eto naman hindi mabiro"
DOPESTYLA: "Parang gago ka kase"
HAMBOG: "Hehe halika dito"
DOPESTYLA: "May gusto ka bang sabihin tapatin mo nga ako? - In love ka ba?"
HAMBOG: "Kaibigan lang kita at di tayo talo - Di ba?"
DOPESTYLA: "Talaga lang ha? Totoo ba yan?"
HAMBOG: "Oo nga!"
DOPESTYLA: "Eh bat lagi mo kong sinusubaybayan?"
HAMBOG: "Aaaaah, eeeeeeh, ganito kase yan"
DOPESTYLA: "Sige paliwanag mo"
HAMBOG: "Ayoko lang may tumabi jan"DOPESTYLA: "Saang tabe?"
HAMBOG: "Saan pa ba? Eh di jan sa tabi mo"
DOPESTYLA: "Baket nagseselos ka?"HAMBOG: "Anong pinagsasabi mo?"
DOPESTYLA: "Kunyari ka pa"
HAMBOG: "Kulit naman, oo nga mahal kita - Ngunit bilang kaibigan lang naman oh gets mo na?"DOPESTYLA: "OK sige na baka hinahanap na ko samen"
HAMBOG: "Sige ingat ka" (Shit bakit di ko pa inamen) Damn!

PAGTATAPAT:

Hindi ko to masabe sa iyo ng personal
Baka isipin mong ako'y madrama at emosyonal
Nahihiya kase ako at baka mapahiya
O di kaya'y mahimatay ka at biglang mapahiga
Nalang sa lupa dahil saking sasabihing kataga
Hindi nasabi kaagad dahil ako'y dinadaga
Kapag ika'y nasa harap ko di makapagsalita
Pagkat malayo agwat mo sa tulad kong maralita
Pero sa oras na ito ngayon ako'y mapapaamin
"Mahal kita may tsansa bang ikaw ay mapasakin?"
O ayan nasabe na at alam mo na ngayon
Kay tagal ko tong tinago sa loob ng panahon
Na lagi tayong magkasama sa tambayan at inuman
Minsan nga lasing ka na ang braso ko'y iyong inunan
Pero walang malisya papel lang ay kaibigan
Ngunit pinapangarap kong tayo'y magkaibigan

No comments:

Post a Comment

Adsense

AdSense