SAKIN KA NALANG
LYRICS
by Hambog Ng Sagpro
Krew ·
1st Verse
Sanay malaman mo na iniibig na kita
Kalangitan ay nakita ko sa iyong mga mata
At ikaw na nga ang nais ko sinta
Ikaw ang kailangan ng tulad kong nagiisa
Kailangan kita mahal pa kita pagkat ikaw ang kasagutan
Sa katanungan at kalungkutan na nabalutan ang katauhan
Ng binatang umibig sayo oo ako yon
Pangarap kita makasama sa bawat taon at sa nalalabing
panahon
Ko dito sa daigdig na pinaikot mo dahil sayong salamangka
Ang ganda ng muka ang sexy mo pa sa lahat ng babae lamang ka
Papansinin mo kaya ang kantang nagawa na sakin nagmula
Ikaapat tapat lahat dapat sapat sapagkat di karapat dapat na
lumuha
Ang tulad mo sayang naman ang ganda ng iyong mga mata
Alam mo naman na niloko ka nya tapos iiyak ka pa
Hay nako marame pa jan hehe dito naman ako
Para ikay saluhin at pasayahin at naghihintay lamang sayo
O ano ayaw mo pa lagi ka lamang nyang sinasaktan
Eh ako sa tuwing ika'y nalulungkot mga butas ay tinatakpan
Kahit panakip butas lang para sayo aking tatanggapin
malamay mo sa ganitong paraan ay matutunan mo rin mahalin
(di ba)
Chorus:
Ang tangi kong hiling sana ay sakin ka nalang
Hindi ko matiis na makitang sinasaktan ka lang
Lumingon ka lang nandito lang ako para sayo
Nangangarap balang araw mahalin mo rin ako
2nd Verse
Kung ako nalang ang inibig mo di ka sana ganyan
Dahil saking tabi tiyak na iingatan kita at hinding hindi ka
na masasaktan
At sana ikaw nalang at ako
Para di na lumuha mga mata mo
Kung sa akin ka lang malamang ang pagluha ay di mo na
magagawa
Ngunit di ko maintindihan bakit ba sa kanya ay hindi ka pa nadadala
Sakin sige sumama ka na tutulungan kitang lumayo at tuluyang
limutin
Ang madilim mo na nakaraan at paraiso kasama kitang
lilibutin
At ikaw at ako ay magsasama ng napakatagal at ikaw sana
Ang babaeng makasa ko nakatadhana ka saking makasal maging asawa
Na sana kita para di na kita inaagaw di ba sa piling nila
Masasabe ko lang pag ako nagmahal masasabe mo na ako'y
kakaiba
Di na dadama ng pghati at puot
At di na buhay mo ay magkaron ng gusot
Dahil tutuwid ko ang lahat ng male at kung pano ka nya itinrato
Sana'y malaman mo na gusto kang angkinin kaya ganito ang
nalikha ko
Na awitng tanging hiling ay pagmamahal na nanggaling sayo
At ako'y masaya sapagkat aking pagtingin ay napunta at sadya
ng nabaling sayo
Chorus:
Ang tangi kong hiling sana ay sakin ka nalang
Hindi ko matiis na makitang sinasaktan ka lang
Lumingon ka lang nandito lang ako para sayo
Nangangarap balang araw mahalin mo rin ako
3rd Verse
Ano nga ba ang aking magagawa
Kung pag ibig mo ay nilaan mo sa kanya
Sino ba naman ako para diktahan kita
Ngunit tandaan mo to hihintayin kita
Magisip ka na ng mabuti kung ano ang iyong maging pasya
Ano sasama ka ba sa katulad ko o mamahalin mo pa sya
Nasa iyo ang desisyon alam mo na ang tama at mali
Basta ako gusto ko lang wag ka ng masaktan pang muli
Dahil ayokong makita ang aking mahal na hirap at naguguluhan
Baka di nya alam isa ka sa milyon na babae at tunay mong
kabuluhan
Wag kang tanga wag kang maging hangal
Dahil hindi mo mararamdaman sa kanya hinahanp mong pagmamahal
Wag mo sayangin sarili mo sa kanya ginagamit ka nya kala
bagay ka
Ang ganda mo naman hmmm sayang ka pero sakin tingin ko bagay
ka
Kung ako sa iyo sumama ka na pero di dun sa biglang liko
Dadalhin kita sa lugar na kung saan sumaya muli mga bigo
At kung kailangan ako wag ka mahihiyang lumapit sa akin
Kung gusto mo na talagang sumaya ka kumapit na sakin
Di ko naman sinasabeng iwanan mo sya para lamang makuha kita
Gusto ko lang naman na mabatid mo na sakin madadama mo ang
saya (tara na)
Halika na dito sa aking tabi para di ka na nya masaktan
Ilang beses pa ba na pagluha ang gagawin mo mahal ko bago ka
makamtan
Ano nga ba ang mayroon sya yaan ba ang lalake na tawag mo ay
matino
Noong una mahal ka nya ngunit sa huli di ba ikaw pa rin ang
nabigo
Bakit sakin ano ba ang kulang hindi ba sapat na ikaw ay
minamahal na
At nakahandang magpadama ng pagmamahal na nadama ko ng
matagal na
Ngunit tanda mo ako'y maghihintay para lamang sa pagtingin
mo
At balang araw malay mo (mahalin mo rin ako)
No comments:
Post a Comment